Chapter 27

34 2 0
                                    

Chapter 27

Focus

After the Christmas break, I focused on reviewing for my finals. Pagkabalik namin ni Jonas sa Manila ay pareho rin kaming bumalik sa kaniya-kaniyang gawain. Iniisip kong pareho pa rin ang plano ko pagkatapos ng pag-uusap namin sa Catanduanes. Hindi ko titigilan ang pangungulit hanggang sa pumayag na siya.

"Sir, final na po ba ang schedule for our finals?" tanong ko sa Propesor.

"Yes Miss Palmares. May problema ba?"

Umiling ako at ngumiti. "Wala naman po. Bye, Sir!"

Mapait ulit akong ngumiti nang makaalis ang propesor. Shit. The schedule of our finals is the arraignment. Pupunta rin dito si Papa. Hindi lang nakasabay sa'min dahil kailangan siya ng mga bata roon sa bahay.

"Anong kaso daw ni Ocampo? Crush ko pa naman 'yun!"

"Yeah... me too! But he's not yet proven guilty, so I think he didn't do it."

"Sana talaga 'no? Because I will really freak out kapag siya ang culprit. Hmmm, I think, he's girlfriend is the unfortunate one, no?"

Nilagay ko ang earphones sa aking magkabilang tenga. Nasa library kami, pero ang ingay-ingay ng mga babaeng iyon. If they don't want to review, sana naman magpa-review sila!

I closed my eyes for a bit to rest my eyes.

Naramdaman kong mayroong umupo sa harap kung saan ako nakaupo. Hindi ko muna ito inintindi at pumikit muna dahil sumasakit na ang ulo kaka-review.

I saw Kobe when I opened my eyes. Nagtaas ako ng kilay ng makita siya.

"Kape?" aya niya.

"No thanks, Kobe," agap ko.

Tatayo na sana ako pero nahawakan niya ang kamay ko. I glared at him. The memory of us in the stock room flashed in my head. Muntik na akong mapasigaw nang marahas kong hinawi ang kamay ko. I forgave him. I know that I forgave him already, but I can't just forget about what happened.

"S-Sorry, Anna! Gusto ko lang naman bumawi at humingi ng tawad. Sana maging magkaibigan ulit tayo."

Agad akong umiling sa sinabi niya. Two chances are too much, Kobe. Kapag nagtiwala ulit ako sa kaniya, baka sirain niya ulit.

"Sa iba ka na lang makipagkaibigan Kobe!" masyadong gigil kong sinabi pero pinipigilan ang pagsigaw.

"Shhh!" sabi ng librarian.

Napairap naman ako dahil pagod na rin kaka-review tapos eto pa ngayon, may nangungulit.

"Okay, Anna, pero eto oh, kape na lang. I'm sorry talaga, Anna. Hindi ako magsasawang mag-sorry sa'yo hangga't di mo ako napapatawad ng tuluyan."

Inabot niya sa'kin ang kape pero tiningnan ko lang ito.

"Kobe... pinatawad na nga kita. Pwede ba? Uuwi na ako." Pagod kong sinabi.

Nang makalabas ako ng library ay sumunod siya kaya mas lalo akong nairita.

"Kobe, ano ba?!" iritang tugon ko pero si Kurt pala ang nasabihan ko 'non.

Pulang-pula ang mukha ko nang marealize na si Kurt nga iyon at hindi si Kobe, ang nasa likod ko. I saw the shock of Kurt's eyes. Na-guilty ako sa pagsigaw ko sa kaniya. He looks so innocent and kind.

"What?" malagom ang kaniyang boses ng sinabi iyon.

"Ay, s-sorry! Sorry, Kurt!" napakamot ako ng ulo. "Bukas pala may meeting tayo. See you!"

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon