Chapter 34

35 1 0
                                    

Chapter 34

Event

Alas dos ng hapon nang sinundo ako ni Kit sa bahay. Buti na lang dahil nagising ako dahil sa pag-iyak ni Vane. Kung hindi ay hindi pa ako makakapag-asikaso. Pati na rin ang mga gamit ni Vane ay inayos ko na para makaalis na kami.

Dala-dala ni Kit ang mga gamit ni Vane habang ako naman ay karga-karga ang baby.

"Kit, pwede pakuha ng stroller please? Nandun lang sa kanto," nahihiyang paki-usap ko.

"Missed you, little girl," sabi ni Kit at hinalikan si Vane sa noo habang karga ko.

Maliit ang halakhak nito nang dumampi ang labi ni Kit sa kaniyang noo. Ngumiti naman ako dahil sa naging reaksyon niya.

"Sorry talaga. Wala kasing bantay kay Vane kasi nagtrabaho si Papa," tugon ko habang nagdadrive si Kit.

"Sus, puro ka sorry. Okay lang nga talaga, Anna. Alam mo namang hindi ako makakahindi kay Vane. Parang kapatid ko na rin 'yan," he smiled while focusing on the road.

Alam niya ang nangyari kay Mama dahil nasabi ko iyon sa kaniya, at tumulong siya sa abot ng makakaya niya. Kaya malaking-malaki ang utang na loob ko sa kaibigan.

Bumaba kami nang makarating sa hotel. Naka-suot lang ako ng below the knees na dark blue at floral dress na mayroong lace sa neckline. See through ito kaya inilaliman ko ng manipis at itim na plain dress ngunit above the knees naman. I partnered it with my dark blue pumps. Nagsuot lang din ako ng maliit na pearl earrings na mayroong partner na necklace na ganoon din ang pendant.

"Kunin mo na lang mamaya ang stroller, Anna. Ako na muna ang kakarga kay Vane."

Agad akong umiling sa gusto niya. Nahihiya na ako dahil sa mga ginagawa niya para sa'kin. Kahit na matagal ko na siyang kaibigan ay feeling ko, nagiging pabigat ako.

"Mabibigatan ka lang. Okay lang talaga, Kit!"

"Sige na please? Miss ko na si Vane eh," he looked at me with his sad face.

Napilitan akong ibigay sa kaniya ang kapatid dahil sa sinabi niya. Masayang-masaya naman si Vane sa pagkarga sa kaniya ni Kit. Halatang-halata ang dimple niya kapag ngumingiti, at ang kaniyang malaking pisngi.

"Hay nako Kit, ang ganda-ganda pa naman ng suot mo tapos may baby kang karga."

Tiningnan niya ako ng masama pagkatapos laruin si Vane na karga niya ngayon.

"Nahiya naman ako sa porma mo ngayon, ha, Anna? Mukha kang Madam. Saka, gusto ko nga lang kargahin si Vane. Ang cute cute kaya," pinanggigilan ulit nito ang kapatid ko. "Wag kang gagaya kay Ate Anna mong masungit, ha? Dapat smile ka lang palagi," bulong nito kay Vane.

"Gagawin mo lang 'yang chick-magnet eh, para may maiuwi ka ngayon." Biro ko sa kaniya.

"Hindi 'to bar, gaga. Saka, iisipin nilang anak ko si Vane kaya hindi na nila ako lalapitan," tumatawang tugon niya.

"Baliw ka ba, Kit? Of course they'll ask you! You're one of the investors of del Real Foundation, in case you forgot about it." Irap ko.

Naglakad kami sa magarbong hotel. Punong-puno ito ng dekorasyon sa paligid. Hindi pa nagsisimula ang event dahil mamaya pang alas sinko ang simula. Maaga lang kami ng thirty minutes dahil iyon talaga ang gusto ni Kit.

"Wow Sir Chua, ang ganda naman ng baby niyo pati ang mommy!" nakangiting tugon ng isang receptionist sa'min.

I awkwardly smiled because of what she said. Si Kit naman, bentang-benta pa sa kaniya ang sinabi noong babae dahil wagas kung maka-ngisi.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now