Chapter 32

27 1 0
                                    

Chapter 32

Hiring

"Ate, si Papa kasi naglalasing nanaman. Hindi ko na po alam a-ang gagawin..."

Napakagat labi ako nang maalala ang sinabi si Nadine. Namuo ang luha sa mata ko habang inaayos uniform ko sa fast food chain na pinag-ta-trabahuhan ko. I have my free time later to cry and break down. Now is not the time because I am at work.

Pagkatapos ko sa part time job, pumunta na muna ako sa del Real foundation. Dito ako nag-take ng internship bago maka-graduate dahil scholar ako rito last school year. Kapag nag-aaral, dito rin ako pumupunta dahil maingay sa inuupahan kong bed space. Palagi na lang mayroong kumakalabog sa kabilang kwarto. Gusto ko sanang sabihin sa may-ari kaso ayoko namang mangialam pa. Hinayaan ko na lang kesa naman palipat-lipat pa ako ng uupahan.

Hindi naging madali ang taong ito para sa'kin. Nag-bakasyon lamang ako sa Catanduanes ng ilang Linggo at pumunta na rin sa Maynila para sa panghuling taon ko sa college. After that, I graduated with latin honors. Mayroon akong pag-tatrabahuhan sana sa DRF ngayong buwan kaso lang ay i-co-consider ko pa rin ang sitwasyon ngayon ni Papa. Sa aming dalawa, siya ang pinaka-nahihirapan.

Minutes after my mother gave birth to our sibling, she passed away. My father's grieving until now, or maybe he still can't accept it. Dahil hindi kinakaya ni Papa ang nangyari kay Mama, ako, kailangan kong kayanin para na lang kila Nadine, Jarred at sa nabuhay naming kapatid.

I still remember how my father suffered and cried for my mother. Hindi ko kinakayang makitang ganoon si Papa. He has the softest heart when it comes to my mother.

"Sinabi ko sainyong huwag ninyong pakialaman ang tyan ng asawa ko!" puno ng emosyong tugon ni Papa, naka-luhod na sa sahig at nakahawak sa magkabilang hita habang umiiling at nakayuko.

Yumuko ako, hindi ko kayang makitang ganito si Papa. Humihikbi rin ako at pinapalis ang luha sa pisngi.

"Kapag po hindi naman iyon–"

"A-Ako, ako na lang sana ang naunang kinuha. Paano na... P-Paano na ngayon?"

"Sir, please po, magpahinga muna kayo. Kailangan pa rin po kayo ng baby." The nurse said to my father.

When he got up, I immediately helped him and nodded to the nurses. Umalis na rin sila pagkatapos noon. Hindi pumayag si Papa na tanggalin ang baby sa tyan ni Mama pero ayaw rin naming tanggalan ng karapatang mabuhay ang bata. After all, the risk was worth it. The baby lived.

When I got home, I checked my gmail account. C-Campo Corporations emailed me for career opportunity. Napakagat ako ng labi habang inaalala ang mga nangyari noong nakaraang taon. Umiling ako at inilagay sa trash ang email nila, hindi man lang ito binuksan. I cried for five minutes before sleeping.

"Ate, please... kailan ka ba uuwi?" Narinig kong naiiyak si Nadine paka-sabi niya noon.

Napasapo ako ng noo ko nang makita ang boss ko. Agad kong tinago ang phone ko sa may leeg habang inaasikaso ang ibang customer.

"Oo, uuwi na rin ako. Siguro this week. Sorry, Nads, ha? Call ka ni Ate later. Nasa trabaho pa ako, e."

"Miss, tubig pa nga rito." The customer called.

"Okay, bye na Nads. See you this week. Love you."

"Miss! Tubig dito!" Itinago ko agad ang cellphone ko at bumalik na sa trabaho.

Ganoon nga ang ginawa ko. Kahit ang plano ko ay magtrabaho rito sa Manila, nagpaalam pa rin ako sa DRF na hindi ako makakapagtrabaho roon. Nakakahiya nga dahil  nakapagtapos ako dahil sa tulong nila tapos hindi pa ako makapag-trabaho sa kanila ngayon. Wala naman akong magagawa dahil nga kailangan ako ngayon ng pamilya ko. Kailangan ko munang unahin ang first priority ko, which is ang pamilya.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now