Chapter 38

31 2 0
                                    

Chapter 38

Medicine

"I'm coming outside," tugon ko sa katawagan. "See you there."

Kaya lang naman ako ulit pumayag na kumain ulit kami dahil nga sinabi kong ako na ang manlilibre next time. Saka malay ko rin kung mayroon na siyang lead kay Rene. It's already Saturday, that's why I'm home. Hinihintay niya ako sa labas ng barangay namin dahil iyon ang sinabi ko.

Nakita ko na siyang hawak ang phone niyang nakalagay sa tenga. Unti-unti niya iyong binaba nang makita ako. Ang suot niya ngayon ay white t-shirt lamang at color beige na slacks. Bagay na bagay ito sa kaniya dahil hapit na hapit sa malaki niyang katawan. Nakasuot din siya ng itim na relo at dalawang maninipis na gold necklace na nakatago sa kaniyang shirt.

"Good afternoon. You look..." he gazed at me from head to toe and said, "nice..."

I avoided his gaze and continued walking.

"T-This is not a date, Jonas. Tinutupad ko lang ang sinabi ko." Agap ko dahil baka kung ano ang isipin niya.

"Yeah, this is not a date. But you look amazing with your dress." A playful smile came from his lips.

I'm just wearing a pink frill off shoulder silky dress. Wala, gusto ko lang magsuot ng ganito dahil sa trabaho ay puro na lang ako long sleeve!

"It's because I miss wearing this. Hindi ito date."

He smirked.

"Yes, this is not a date," tinikom niya ang labi para pigilan ang pagngiti. "Let's go... and eat?"

"Sure!" sagot ko.

Nang makaalis kami ay tinigil niya ang kotse kung saan kitang-kita ang sunset. Hindi ito iyong part na pinuntahan namin noon pero mas kita rito ang sunset. Paano niya kaya nalaman na maganda rito tumambay? Good choice.

"I thought we're going to eat, Jonas? Bakit tayo nandito?" tanong ko, pinapatunog na hindi ko gustong nandito kami.

He didn't look at me. He just looked at the sunset. Hinilig niya ang kaniyang katawan sa mataas na railings at tinukod ang kaniyang forearm. Pinagmasdan ko rin siya mula sa kaniyang gilid. The sun is reflecting on his eyes. Kung titingnan mo sa malapitan, makikita mong medyo brown ang kaniyang mga mata. Pero hindi lang iyon, ang mas nakakamangha ay ang mahahaba niyang pilik-mata at makapal na kilay.

"It's beautiful, right?" he asked, mesmerized by the sun.

"Yes..." I said, mesmerized by him. "It's beautiful."

Nang nakita kong haharap siya sa'kin ay agad kong binaling ang tingin sa araw. Kinagat ko ang labi ko dahil sa kaba. Muntik niya pa akong mahuling nakatitig sa kaniya!

Sa daan, mayroon kaming nakitang nagtitinda ng fish balls. Mayroon ding sumisigaw ng taho, mayroong nagtitinda ng balut at chicharon. Food is one of the reasons why I want to stay here in Catanduanes, aside from beautiful beaches.

"Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? Please, 'wag nang kahit ano." Sabi niya kaya natawa ako.

"Ako naman ang manlilibre, 'di ba? So ako ang masusunod?" ngumiti ako sa naisip.

He winced his brows. "Kahit naman hindi ikaw ang manlibre ay ikaw pa rin ang masusunod."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil kinilig ako ng konti. Konti lang.

Tumingin ako roon sa stall ng fish ball saka tinuro iyon sa kaniya.

"Have you tried that one?" I asked.

Seryoso siyang tumingin doon sa tinuro ko.

"I forgot. Maybe?" napailing ako sa sagot niya.

"C'mon, let's try it. Nakalimutan kong pakakainin nga pala dapat kita ng mga ganito noon, pero umuwi ka agad sa Manila."

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now