Chapter 22

36 2 0
                                    

Chapter 22

Fight

Tinapon ko ang sarili ko sa kama at doon umiyak nang umiyak. Hindi ako makapaniwalang ginawa sa'kin iyon ni Kobe. Akala ko magkaibigan na lang ang turingan namin at nirerespeto niya ako. I never thought that he can do this to me, that he can do this to a friend! Nakakainis! Nakakainis dahil wala akong magawa kundi umiyak.

Hindi ako nakatulog ng ayos dahil iyak lang nang iyak magdamag at pakagising, magang-maga pa ang mga mata.

I tried to conceal my swollen eyes but it can't be concealed by make up. Naiinis kong binagsak ang concealer ko at naligo na lang.

Maya-maya ay wala na siguro 'to, kaya papasok na ako.

Hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kagabi at binagsak ang sarili sa aking upuan.

"Oh? Are you alright, Anna?" tanong sa'kin ni Marta nang maka-upo ako.

"Oo, Marta. Napuyat lang..." palusot ko.

"Ah... Sorry kahapon pala, hindi na ako nakapaghintay. May nangyari kasi sa bahay." Tumango ako sa kaniyang sinabi dahil wala na rin akong energy para makipag-usap.

Hindi ako masyadong nakikinig sa Professor namin dahil sa antok. Habang nag-didiscuss pa ay nagkakape ako para hindi tuluyang makatulog. I think our professor noticed my swollen eyes that's why he looked at me for a couple of seconds. Inalis din naman niya ang tingin niya sa'kin at umiwas na ng tingin para bumalik sa pagtuturo niya.

Kobe didn't join our group meeting, kaya inis na inis nanaman si Cassie.

"del Real, kapag hindi ka tumahimik d'yan, makakatikim ka sa'kin talaga." Piolo said warningly.

I gulped. Naalala ko nanaman ang ginawa sa'kin kahapon ni Kobe. I closed my eyes softly and looked at my laptop again, trying to focus.

It was fresh in my mind.

"Manyak ka talaga, Piolo! Pervert!"

"Anong iniisip mong tikim ha?... Joke lang! Aray ko po, Cass. Aray, oo na... Aray ko nga..."

Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Humikab pa ako dahil antok na antok na dahil hindi nakatulog ng maayos kahapon.

"I'll just take a nap for five minutes," paalam ko sa kanila at agad na ginamit ang dalawang kamay para gawing unan at pinatong ito sa mesa ng arm chair.

"Wawa man ang Anna sungit namin," narinig kong sinabi ni Pio bago ako nakatulog.

I can't belive na sa sobrang antok ko ay nakatulog ako sa school! Hindi naman ako nakakatulog talaga dati, at pinapahinga lang ang mga mata.

When I opened my eyes, it was exactly five minutes because I set my alarm.

"Anna! Jusko po! Gising ka na?" gulat na gulat na sinabi ni Piolo kaya agad akong bumangon at kinusot ang mga mata.

Lahat ng kagrupo ko ay nakatingin sa'kin. Even Kurt the mysterious, he is looking at me, confused.

"B-Bakit?" tanong ko sa paos na boses at humikab pa.

"Oh my gosh, girl! Anna, may picture na nag-leak! It was you... kissing Kobe!" agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Cassie sa'kin.

Napatayo ako agad at hindi pa naniwala sa sinabi ni Cassie. Bakit kumalat 'yon? At, sinong kumuha ng pictures?

"H-Ha? A-Anong pictures?" tensed kong tanong kay Cassie.

"E-Eto girl, oh," pinakita niya sa'kin ang pictures namin ni Kobe sa loob ng stock room.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now