Chapter 10

50 3 0
                                    

Chapter 10

Sleep

"Let's just sit here. Ang ganda ng sunset 'no?" I smiled saka pareho kaming umupo kaharap ang dagat.

Tumango naman siya saka tumingin sa'kin.

"You have brown eyes." Aniya saka tumingin sa sunset. "It is, beautiful."

Natawa ako bigla. "Brown lang 'yan dahil sa araw. Akala mo lang 'yan."

Tumikhim siya saka yumuko.

"Would you mind if I ask you-"

"Sorry pala kay Patrick-"

Nagkasabay pa kami ng sinabi kaya pareho kaming tumikhim at nag-iwas ng tingin.

"Ano 'yung tanong mo?"

"Patrick. Who's Patrick?" he asked.

"Ex ko." Tipid na sinabi ko. Tumango naman siya.

"He's a jerk." Seryosong sinabi niya.

Tumango din ako. Totoo naman. Jerk talaga 'yon.

"Ganoon naman siguro talaga ang ibang mga lalaki kapag may gusto sa isang babae. Sa una, mabait sila. Susuyuin ka, iimpress. Sa una akala mo perfect boyfriend. Sa panliligaw, lahat ng mabuting gawin ginagawa nila." Tumawa ako. "Pero kapag nagtagal na, makikita mo talaga ang tunay na ugali."

Umiling ako sa sinabi ko. It's weird that I'm venting out my rants to a man. Hindi ko naman nilalahat ng lalaki. Just some of them.

"Did he do something bad to you?"

"Senior high noong naging kami. Hmm, I caught him cheating, ayun, binaliktad niya sa social media na ako raw ang nagcheat and after that, he stalked me. Kahit sa Manila, minsan nakikita ko pa rin siya. Nag-isang taon 'din kasi kami and I realized, nasasakal na ako sa kaniya. He was so possessive and manipulative. He's sometimes touchy, and clingy. Noong una, hindi naman ganoon kalala pero naging sobra-sobra na siya. Kahit pag-aral ko sa Manila ay pinag-aawayan namin. He doesn't want LDR. So, pumupunta siya sa Manila to see me when I transferred there. Okay lang naman sa'kin, pero may studies 'din siya dito at hindi ito ang napaprioritize niya dahil sa'kin." Pagkekwento ko.

He sighed. Parang mas nastress pa siya sa'kin.

"I can't believe you've been so exhausted because of him. Don't worry, it will not happen again." Natawa ako sa sinabi niya.

"Why? How sure are you?" tanong ko.

"Basta. You just have to call me if he's doing something wrong to you." Umiling-iling pa siya.

Kinurot ko ang braso niya. Bigla akong nagsisi. Matigas ang braso niya. Akala ko pa naman malambot. Para akong kumurot ng bato.

"Ewan ko sa'yo, Jonas Steve."

"So you don't want possessive and clingy boys, huh?" he smirked. "Don't you find it attractive like other girls do?"

Umiling ako habang tumatawa.

"I think so? Eh, 'yun ang nafeel ko kay Patrick eh." Tumawa ako.

"Kay Patrick." Tumango siya sa sinabi ko.

"Yes, he was my first boyfriend."

"And your first kiss?" he laughed.

Nag-init ang pisngi ko. Ano bang nasa isip niya? We were just senior high school noon 'no? Hindi kami magkikiss! Hindi ko siya pinapayagan kahit palagi siyang gumagawa ng paraan para magkiss kami.

"Of course not!" defense ko.

"So wala ka pang first kiss, Anna?" tumawa pa siyang lalo.

Ano namang problema 'don? Ngumuso ako dahil sa tawa niya. Palibhasa kasi siya, lahat na ata ng babae except me ay na-kiss niya. What the hell? Bakit ba namin pinag-uusapan 'to?

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon