Chapter 50

28 1 0
                                    

Chapter 50

Result

Dumaan nga ang ilang araw na naghihintay ako sa pagbabalik ni Jonas. While waiting for him, I kept myself busy working. Inasikaso ko na rin ang pag-pa-DNA kay Vane at kay Sir Olivan. Good thing is Sir Olivan cooperated with the legal team. Lahat ng ipon ko sa bangko ay nawala ng isang iglap lang. Iyon pa ang isa kong iniisip kaya't okupado ang isip ko habang nagta-trabaho.

"Totoo bang official na kayo na talaga ni Sir Jonas, Anna?" nagulat ako sa agarang tanong ni Gideon.

Masyado kaming busy kanina kaya hindi kami nag-uusa-usap kung hindi tungkol sa trabaho, kaya nagulat ako nang bigla niya itong tinanong. Bukod pa roon, nasa rest room kami para magpahinga. Rest room, like kwarto para magpahinga.

Umiling ako. "Hindi... Kanino mo naman 'yan nalaman?"

Pinikit ko nang marahan ang mata ko para maka-pagrelax.

"Ilang araw na 'yang kalat dito, Anna... si boss pa nga ang nag-" tumigil siya sa pagsalita dahil dumating si Xyrill.

Dalawang folding bed lang ang nandito kaya kung magpapahinga rin siya, aalis na lang muna ako at iyon nga ang ginawa ko. Tutal, lunch time naman na kaya kakain muna ako.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Xyrill saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

"I just want to say na kami na ulit ni Kit... hmm, if you care?" she smirked.

Napa-oh kaming dalawa ni Gideo dahil sa sinabi niya. "Wow. Good for you two."

Sincere iyon. Gustung-gusto ko rin naman talaga silang dalawa kaya mabuti nang ayos na ulit sila. Ayoko ring ako ang dahilan ng selos ni Xyrill dahil wala naman talagang namamagitan sa'min ni Kit kundi pagkakaibigan. Kulang na lang nga, maging anak na siya ni Papa para maging opisyal na magkapatid kami.

I heaved a sigh of relief when I saw her smiled.

"Wow point two, kaya blooming ka pala ngayon, ah?" tumatawang tugon ni Gideon saka siniko ng mahina si Xyril nang tumabi ito sa kaniya.

Xyrill rolled her eyes and smirked. "Kaya ikaw... maghanap ka na rin ng boyfriend, Gid."

Palagi niyang pinapalabas sa bakla si Gideon kaya inis na inis ito sa kaniya kapag ginagawa iyon. Sa totoo lang, malambot talaga magsalita si Gideon pero sa galaw ay hindi naman. His tone is like he's from Bulacan that's why his tone is sweet and soft. Isama mo pa ang maputing-maputi niyang kutis at malinis din siya sa katawan.

"Damn you, Xyrill," pikon na tugon nito kaya tumawa kami pareho ni Xy.

Napatingin kaming lahat sa dumating, Si Paul na nakabusangot ang mukha.

"Iniwan niyo akong mag-isa..." tugon nito at ngumuso.

"Kaiwan-iwan ka kasi," si Xyrill.

Inilagay ko ang buhok sa gilid ng aking leeg at umusog ng konti para paupuin si Paul.

"Kaiwan-iwan ka kasi..." he echoed in sarcasm.

Sabay-sabay kaming kumain sa labas nang nag-lunch time. Alas tres y media na rin nang makalabas kami ng building dahil hindi namalayan ang oras nang nag-ke-kwentuhan.

Sa harap namin ni Gideon ang nag-iinisan na sila Xyrill at Paul.

"By the way, congrats pala. Kayo na ni Sir Jonas, 'di ba?"

Ilang beses ko bang sasabihin na hindi? Hindi nga kami!

"Kayo na pala talaga? Magaling talaga moves ni Sir Jonas! Nakuha ang nag-iisang Annalistica Palmares natin..." si Paul.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon