Chapter 45

28 1 0
                                    

Chapter 45

Sorry

Hindi ko inaasahang makita si Jonas nang ganoon ka-problemado. Mukhang nagkatanggap siya ng isang malaking problema. Bumalik siya galing sa pinuntahan, bago pa matapos ang inuman ng tatlo. They're all drunk, and I don't know what to with them.

Naglakad ni Jonas palapit sa'kin, habang tinitingnan kung gaano kagulo sa lamesa ang tatlo.

"Ayos ka lang?" tanong ko bago siya tuluyang makalapit.

"Nasa hospital si Justin... What happened to them? Did you drink?"

My eyes widened because of his news. Nasa hospital si Kuya Justin? Bakit naman kaya?

"Anong nangyari kay Kuya Justin? Ayos na raw ba siya?" I asked again.

He ran his fingers through his hair and shook his head. He was always smiling and laughing these past few days. May mga talo kami at nakikita ko kung paano siya mainis tuwing ganoon na nga ang nangyayari. Pero ngayon, halata ang kaniyang pagod. Sa mga mata niya pa lang ay halatang-halata na.

"He had an heart attack. Pumunta lang ako rito para i-check kayo. Aalis din ako maya-maya."

Nakagat ko ang sarili kong labi at mataman siyang tiningnan. Naalala kong mayroon nga palang sakit sa puso si Kuya Justin. He may be one of the reasons why my mother had that accident, but he is still a friend to me. He is still the brother of Jonas. Kaya bigla akong nag-alala.

May mga kilala akong hindi kinakaya ang sakit nila sa puso. Ang iba ay isang taon pa lang, ang iba ay sampung taon o higit pa. Sana ay hindi mangyari kay Kuya Justin. Kahit na ganoon ang nangyari sa'min, hangad ko pa ring maging maayos ang kalagayan niya.

"A-Anong sabi ng doktor? Will he be fine?" mahina kong tanong.

"I really don't know yet," he replied. "I'm... nervous."

Tiningnan niya ako sa mata. Yes, I can see that. He's nervous about his brother. Kahit nga ako ay nag-aalala, paano pa kaya siyang kapatid niya pa iyon?

Bago pa mangyari ang kaalaman ko tungkol sa aksidente ni Mama ay magaan ang loob ko kay Kuya Justin. He is really a good and jolly person. He's the type of person that has a pleasing personality, and hearing about this makes me sad. I hope that he'd overcome this.

We talked about Kuya Justin's surgery. Sabi niya, kapag pumayag si Tita Minha at si Justin mismo na magpa-opera ay gagawin ito. Hindi naman ako nagtanong kung bakit noon pa, hindi na nagpa-opera, sa yaman nila, kayang-kaya naman na siguro. Dahil kung hahantong pa rito... bakit hindi noong hindi pa siya inaatake? His father's even taking care of Kuya Justin's medication.

Tinulungan niya muna akong ilagay ang tatlo sa mga kama nila bago siya umalis para pumunta ulit ng hospital.

Jonas and Kuya Justin were close. Nakita ko silang nagkakasundo sa mga bagay. He even protected his brother when the time that I wanted him to ask Kuya Justin about my mother's accident. Sinabi niyang huwag muna dahil may sakit ang kapatid niya at ayaw niyang mapasama ito. He's thoughtful to him. He loves his brother so much. Naalala ko rin ang deal namin noong gusto niyang ipagamot ang kapatid niya nang hindi umaasa sa tatay niya. Buong gabi rin ako nag-isip tungkol sa kanilang magkapatid bago pa umabot na siguro  ng madaling araw at makatulog.

Nang maramdaman na ang sinag ng araw ay bumangon ako. Nakita ko si Xyrill na binubuksan ang blinds habang sinusuklay ang hindi ganong kahabang buhok.

Mukhang kakagising niya lang din. Nagtaka tuloy ako kung anong oras na ba, at anong oras ako kagabi nakatulog.

"Did you bring me here?" tanong niya nang makitang gising na ako.

"Hmm..." sagot ko, nanunuyo pa ang lalamunan.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon