Chapter 18

47 3 0
                                    

Chapter 18

Home

Natapos na rin si Marta sa appointment niya sa OB after one and a half hours.

"Gusto niyong kumain ulit sa bahay?" tanong ni Marta sa'min ni Jonas.

"Hindi muna siguro. May pupuntahan pa kasi kami," naunang sinabi ni Jonas.

Tiningnan ko agad si Jonas. Saan naman kaya kami pupunta? Wala naman kaming planong umalis. Sumunod naman ay tiningnan ako ni Marta at tinikop ang labi. Tumango siya saka tumingin ulit kay Jonas.

"Ah ganon ba, sige, thank you sa pagsama sa'kin!" sabi ni Marta sa'ming dalawa ni Jonas.

"Marts, hatid ka na namin sa apartment mo para hindi ka na mapagod," aya ko sa kaibigan.

"Wag na. Aalis rin naman ako. Sige, bye. Thanks ulit." She smiled a little bit.

Kumaway na lang ako sa kaniya dahil nagmamadali siyang umalis.

Nang makaalis na ay tiningnan ko si Jonas. He's smiling at me ear to ear. Hindi na rin makita ang mga mata niya dahil sa smile niya. Nako, pa-pogi naman 'to masyado. Oo na, pogi ka na!

"Let's date..." nakangiting sabi niya.

Parang baliw 'to.

"Naiinis ako sa ngiti mo, Jonas."

"Why?" Natatawang sinabi niya. "Galit ka pa ba? Hmm?"

Sinimulan ko ng maglakad dahil wala kaming mapalala kung mag-uusap lang kami sa harap ng clinic.

"Hindi nga ako galit... diba? Bakit naman ako magagalit, e nagsinungaling ka lang naman about sa allergies mo!"

"I didn't!" he defended. "Allergic talaga ako pero konti lang naman 'yung natikman ko. Humigop lang."

Gusto kong ikutin ang mga mata ko pero mahahalata niya lang na sarkastiko ang pinapakita ko.

"Okay." I shrugged.

Pinagbuksan niya ako ng kotse kaya umupo na ako sa shotgun seat. Hindi agad siya nagstart ng kotse dahil tinitigan ako.

"Selos ka?" Naka-ngiti siya.

"Ang kulit. Hindi nga!"

Hindi naman talaga.

"Really?"

"Jonas, hindi nga! Bakit naman ako magseselos? Parang 'yun lang naman."

"Kasi gusto mo ako?"

Umirap ako at nilingon siya.

"Fine! I'm jealous! But it feels wrong kasi kaibigan ko si Marta, right? Pero bakit kasi ang landi mo? You have an allergy pero tumikim ka. May pangiti-ngiti ka pa..." I sounded so mad. "Tapos ang ex mo pa sa mall, nakakainis!"

Yumuko siya at hindi muna nagsalita. Nagbuntong-hininga muna bago ako ulit hinarap. Pulang-pula ang kaniyang mukha at tiningnan ako ng seyoso.

"Okay, sorry. Hindi ko na uulitin... and Aika wasn't my ex, maingay lang talaga 'yon at mapang-asar..." malambing niyang sinabi at lumapit sa'kin para sa pagyakap.

Ngumuso ako at tumingin sa gilid. Hindi ko rin siya niyakap pabalik.

"Bati na tayo?" tanong niya, nakayakap pa rin.

"F-Fine," I said.

Hiniwalay niya ang sarili sa'kin. A ghost of smile came from his lips before driving. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Nagtagal ito ng ilang segundo bago niya binalik ito sa hita ko.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now