Chapter 30

41 2 2
                                    

Chapter 30

Hurting

My mind was too occupied because of what happened. I tried to focus on the exams but I couldn't. I tried not to think about it but I'm thinking about it too much. Parang ginugulo ang utak ko ngayong finals at hindi ako makapag-isip ng maaayos. Kahit sa pagsagot ng exams, alam kong babagsak ako kahit napag-aralan ko ang mga ito.

Mental block. I had it.

Shit. Hindi ata ako makakapasa.

"Ayos na raw si Marta, nasa bahay na niya siya ngayon at nagpapahinga. Nalaman ng magulang ang pagbubuntis niya kaya titigil na muna raw sa pag-aaral." Kwento sa'kin ni Kobe. "'Wag ka nang mag-alala tungkol doon sa baby dahil hindi naman ito napaano."

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang impormasyong iyon pero hindi na iyon importante. I felt relieved and felt bad for Marta. Hindi man lang siya nakapagtake ng final exam at hindi na rin nakatulong sa paggawa ng game nila.

But at the same time, galit pa rin ako dahil sa ginawa niya. Kahit na sabihin ko sa sarili kong lasing lang sila, ay hindi pa rin ito matanggap ng sistema ko.

All I know is they cheated on me.

"H-Hindi niya siya makakapag-fourth year?" tanong ko kay Kobe. "Baka... pwede nating pakiusapan ang mga groupmates niya kung pwede pa siyang isali, Kobe. Besides, she can take special exams?" it was a question cause I'm not sure.

Napangiwi si Kobe sa sinabi ko at agad na umiling.

"Tumigil ka nga sa pagiging mabait mo, Anna. Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin. Halatang puyat na puyat ka at namumutla ka na. 'Wag kang masyadong maawain sa taong mayroong malaking ginawang kasalanan sa'yo. Sa tingin mo ba, naisip niya ring magkaroon ng malasakit sa'yo ngayon? Hindi, Anna. At nakalimutan mo na ba agad? Kahalikan niya—"

"Stop it." Puno ng pagpipigil ay pinatigil ko siya sa gusto niyang sabihin.

He cleared his throat and bowed his head. "Pasensya na."

After ng exams, naglakad ako papuntang labasan para pumunta sa condo at kunin ang mga gamit ko. Kobe offered help so I let him. Naisip ko ring hindi ko kayang mag-isa ang paglipat ng mga gamit ko. Wala naman nang magagalit, dahil wala na rin akong boyfriend. Bukod pa roon, tutulong lang naman sa'kin si Kobe.

Umakyat kami sa condo para kunin na ang mga gamit ko. Nagulat ako nang makitang makalat ang condo. Ang sahig ay maraming kalat na kung anu-ano. Hindi rin maayos ang kama at parang binagyo.

I parted my lips to breathe. Kahit paghinga ay nakalimutan ko nang makita ang gulo ng kwarto.

What happened to Jonas?

"Anna, bilis na para makalipat ka na agad." Paalala sa'kin ni Kobe.

Nawala ako sa iniisip ko nang sinabi niya iyon sa'kin.

Tama. Pumunta ako rito para kunin ang mga damit ko at hindi mag-alala para sa ex boyfriend ko.

Mabilisan kong nilagay ang nga gamit ko sa isang malaking maleta. Ang laptop ko ay nasa maliit lang na bag. Ako na ang may dala nito pero ang maleta ay hawak ni Kobe. Tinulungan niya akong ilagay ang mga damit ko rito habang ako naman ay inaayos ang mga nilalagay niya para magkasya-kasya ito.

Kinakabahan akong maabutan kami rito ni Jonas, kahit na wala naman kaming ginagawang masama. Nagmadali akong ilagay pa ang mga gamit ko at sinarado ito nang natapos na. I took a deep breath and look around. I will miss this condo.

"Anna... halika na!" si Kobe.

Tumango ako sa kaniya. Bitbit niya ang maleta ko. Buti na lang pala't tumulong siya dahil hindi ko kakayanin ang bigat ng mga gamit ko.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon