Chapter 25

34 2 0
                                    

Chapter 25

Life

We are here at Maribina falls, enjoying the sound of the water. Maganda ang view, kumikislap ang tubig dahil sa araw mula sa taas, maganda rin ang tunog at ang mga kasama. As I see them enjoying each other, I felt contented and comfortable.

"Sabi na kasi sa'yo Ate, mas maganda dito kesa sa Marilima, e!" utas ni Nadine sa'kin.

Jonas laughed as if he agreed on what Nadine said. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nadine at ngisi ni Jonas. Hindi ako makapaniwalang pinagkakampihan ako ng dalawa.

"No, Marilima will always be my favorite, Nadine."

"Yeah... Me too," sabi ni Jonas.

Tiningnan ko siya ng mabuti dahil hindi ako nagsang-ayon sa sinabi niya.

"At bakit mo naman naging favorite 'yon? Twice ka pa lang naman nakapunta 'dun, ako, maraming beses na ah!"

Ngumuso ako sa sinabi kaya natawa siya.

"Hindi ko naman aagawin sa'yo. It's my favorite 'coz it's your favorite." He lips lifted.

"Bias!" sigaw ni Nadine sa'ming dalawa.

"Hindi, Ate Nads. Hindi mo dapat cinocompare ang Marilima dito, dahil falls 'to at beach 'yon," sinabi ni Jarred.

Napangisi naman si Jonas at ti-nap ang ulo ng kapatid ko.

"Whatever, smart-ass!" tugon ni Nadine sa kaniyang kapatid kaya binatukan ko. "Aray, joke lang!"

Nagtawanan kami saka pumunta sa cottage para kumain. Marami kaming dinala na pagkain, dahil susunod pa si Papa. Inaasikaso lang niya muna ang bayarin sa hospital. Sabi ko nga, ako na lang muna pero hindi naman siya pumayag dahil kakasweldo niya lang.

"Ate, I received a Christmas gift from Bob. Pero, hindi ko tinanggap so chill ka lang." Sipat ni Nadine.

"Mabuti 'yon! Don't ever trust him again," mapait kong tugon.

Cheaters are jerk. Kung mayroon talagang mga walang kwentang nilalang, feeling ko sila 'yon. Hindi nila alam kung anong insecurities ang naibibigay nila sa naging biktima nila. Kung gusto sana nilang mag-cheat, hindi sana sila nag-commit sa isang seryosong relasyon.

"Nag-sorry ba?" nagtaas ang kilay ko sa tanong ni Jonas.

Don't tell me kakampihan niya 'yung palakang 'yon?

"Nag-sorry Kuya, at sinabi niyang hindi naman daw talaga siya nag-cheat. Tinulungan niya lang daw ang babae, ang totoo nga daw ay pupuntahan niya na sana ako 'non pero nagpatulong sa kaniya 'yung girl classmate niya kaya wala siyang nagawa." Sabi ni Nadine, at naniniwala sa kaniyang mga sinabi.

"Nadine, 'wag kang matitiwala sa mga ganyan, naku!"

"Anna..." Jonas said warningly.

"Totoo nga, Jonas. Parereho lang naman 'yang mga 'yan."

"I got your point, but he said sorry to Nadine. All he wanted is the forgiveness." Napairap ako sa sinabi ni Jonas.

"Pagkatapos ng forgiveness, ano? Liligawan nanaman ang kapatid ko?"

Jonas chuckled without humor.

"Kung ikaw, hindi mo na lang papatawarin? It's for you, ang pagpapatawad," nanahimik ako sa huling sinabi niya.

It makes sense. When you forgive the person who hurt you, it will set you free from the pain. Tumango ako at nagbuntong hininga. Tiningnan ko ang kapatid na naguguluhan dahil sa argument namin ni Jonas.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon