Chapter 52

26 1 0
                                    

Chapter 52

Pride

Sakto ang iniisip ko habang naglalakad ako sa street namin. Nakita ko si Papa na mayroong kasamang isang lalaki. I don't know who is he but they're talking seriously. They couldn't see me because there's a car between us. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila.

"Pero... sa tingin mo ba, pwede akong makapasok ngayon o kahit sa susunod na mga araw? Gipit na gipit kasi talaga..." rinig kong sinabi ni Papa.

Umawang ang labi ko nang marinig iyon.

"Oo, pwede! Ako na ang kakausap kay bossing!" hindi ko na narinig ang iba dahil nagtungo na ako sa bahay.

Sa bahay, nag-bihis lang ako sa kwarto saka ay bumaba na rin para kumain. Si Nadine lang ang naabutan ko, habang karga si Vane.

"Nasa wallet ko na 'yung pera, Nadine. Kunin mo na lang sa bag," sabi ko saka nagsimulang kumain.

"Thank you talaga, Ate! You're the best sister in the whole world!" masayang tugon nito.

"Para saan ang hinihingi mo sa Ate mo, Nadine?" pareho kaming tumingin kay Papa nang sabihin ito.

"Uhm... Bayarin po sa school, saka sa Senior's Night namin."

I couldn't read my father's expression. Hindi ko alam kung magagalit ba siya o hindi. Nakita kong bumunot siya ng wallet sa bulsa niya.

He sighed. "Magkano ba 'yan?"

Nanlaki ang mata ni Nadine. Hindi sanay na si Papa ang magbibigay sa kaniya ng pera. Sanay naman kami noon, pero ngayon kahit ako, hindi ko inaasahan na mag-aabot siya ng pera.

Nakuha niya na ba ang trabahong binanggit ng lalaki kanina?

"Ay, Papa... Si Ate Anna na lang daw po talaga. Medyo malaki-laki rin po kasi iyon..."

Umayos ako ng pagkakaupo.

"Kaya ko naman siguro 'yan, anak... Eto... kumuha ka na lang d'yan dahil mag-uusap lang kami ng Ate mo," may bahid ng lungkot ang boses ni Papa.

Kumunot ang noo ko dahil sa marahang pagkakasabi ni Papa noon. Inabot niya kay Nadine ang wallet. Nag-da-dalawang isip pa siyang kunin ito kay Papa. Tumango ako nang tumingin ito sa'kin.

Agad kong niligpit ang pinagkainan ko nang maalalang mag-uusap pala kami ni Papa ngayon.

"Anna, mayroon na akong nakuhang trabaho. Nahihiya na kasi ako kila Tita Kitty mo dahil sa nagawa kong hindi pagpasok ng ilang araw... Naapektuhan na rin dahil hindi ko nagagawa ang trabaho ko. At pasensya na rin sa mga nasabi ko... hindi ko na maaalala dahil sa pagkalasing pero nararamdaman kong masama ang loob mo sa'kin nitong mga nakaraang araw. Inisip ko na baka may nasabi akong masama."

Lumapit ako kay Papa para yakapin siya. It's overwhelming to hear those from him.

"O-Okay lang... Papa..." mahina ang boses ko dahil naluluha na.

Naramdaman kong nilagay niya ang kaniyang ilong sa ulo ko at niyakap ako pabalik.

"Sorry talaga anak, ha... Babawi si Papa..." tugon nito saka ngumiti nang makaalis sa yakap.

"Salamat din sa pasensya. Parang ikaw pa tuloy ang naging magulang ng mga kapatid mo. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi... pero gusto ko sabihing kung ano man ang magpapasaya sa'yo, hindi kita pipigilan doon. Kumbaga anak, it's your time to be happy..."

Hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Piliin mo naman ngayon kung ano ang magpapasaya sa'yo anak..."

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon