Chapter 60

68 0 0
                                    

This is the last chapter. Thank you so much for staying and reading this story. I had so much fun writing this. I have learned lessons along the way. I hope you learn something as well.

Love,
Angelica 🌸

Chapter 60

Sorry

I was silently waiting for the sunset on the shore. Hearing the sound of the waves makes my mind rest. Sa ilang araw na pagtatrabaho sa Manila, deserve kong pagmasdan ang paborito kong dagat. It's been months since I went to Manila to work for a Web Development company. Noong una, sinabi ni Jonas na sa kumpanya niya na lang, pero hindi ko tinanggap. It's good that he accepts my decisions without us arguing.

My father decided to rest on his job. Ako naman, mas malaki na ang sahod kesa noong dati kaya napagtutuunan ko na ng pansin ang sariling pahina, at hindi puro trabaho. He's now taking care of Vane, and sometimes Tito Olivan visits them here in Catanduanes with Jonathan.

Naramdaman ko ang yakap ni Jonas galing sa likod ko, dumulas ito mula sa aking bewang hanggang sa tyan. His chin rested on my shoulders as he looked at the sea. Kinuha ko ang kamay niya para ipagsalikop iyon sa'kin.

"Parang hindi naman tayo magkasama sa Manila." I noticed that we're being so clingy with each other, parang kakakita lang galing sa LDR.

"You are always busy, Anna. You wouldn't even look at me when you're studying."

"No! I'm not like that. May ginagawa ka rin naman sa laptop mo kaya ayaw kitang inaabala."

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa'kin para makausap siya ng maayos. Humarap ako kaya nakita ko ang naka-simangot niyang mukha dahil sa ginawa ko. Mahina akong humalakhak nang hinila niya ang aking maliit na bewang palapit sa kaniya.

"I'm just trying to make myself busy because you are too busy." He bluntly said and shrugged.

"I'm not..." tutol ko.

"When will you decide to move in my company, huh?" tumungo siya sabay lagay ng maliliit na hibla ng aking buhok sa likod ng tenga.

My head tilted. "I'm not yet considering that."

Inilagay ko ang kanang kamay sa kaniyang pisngi at marahan itong hinaplos. His skin's always soft and flawless.

Pumait ang mukha niya. "And why is that? Don't you want me to be your boss, Anna?"

"Are you sure that you'll really be my boss? O palagi mo lang akong hihilahin papunta sa opisina mo?" hamon ko.

He smirked.

"Is that your reason? Oh, I forgot, you don't want a clingy and possessive boyfriend... right?" he snapped.

Naaalala kong sinabi ko nga iyon sa may railings. Well, I think I changed my mind. Kung siya lang naman ang magiging clingy at possessive sa'kin, it'd be an honor for me. Sa pagka-busy at tight ng schedule niya, nagagawa niya pa ring puntahan ako sa office at sunduin. Plus, tumatambay pa siya sa apartment not knowing na hindi naman pala siya nagtatrabaho. Gusto niya lang talaga akong makasama.

"Yes, you're right..." biro ko saka ngumiti.

"Talaga?" tumango siya saka binitawan ang bewang ko.

Ngumuso ako dahil sa ginagawa niya. I'm comfortable of that position...

Tinaas niya ang baba ko.

"Then, what's with that pout?" he asked softly and smiled.

Ngumuso akong lalo saka tumingkayad para mahalikan siya sa labi saka tumakbo palayo sa kaniya. Nakita ko pa ang pamumula ng tenga niya bago makalayo sa kaniya. Pareho kaming tumatawa habang nababasa ang mga paa hanggang binti.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon