Chapter 42

30 2 1
                                    

Chapter 42

Assure

"Malapit na mag-summer, 'di ba kayo nagsasawa sa probinsya? Sa Manila naman!" sambit ni Paul.

Nagtatalo sila kung saan magcecelebrate ng first year anniversary naming magtatrabaho. Hindi ito alam ni boss kaya kami-kami lang ang aalis. Ako, pinag-iisipan ko pa.

"Paul is right, Xyrill. Sa Manila na lang, for three days!" Nakangiting sinabi ni Gideon.

Umirap si Xyrill. "Let's vote then!" hindi nagpapatalong tugon niya. "Who's in favor sa Manila?"

Hindi muna ako nag-taas ng kamay. Hindi ko pa rin kasi sigurado kung sasama ako sa kanila.

Lahat sila ay tumingin sa'kin, nagtataka.

"Ano na, Anna?" Nagtaas ng kilay si Xyrill.

"Hindi ko alam kung sasama ba ako." Sabi ko. "You guys decide first."

"Well, kung hindi ka sasama, that's better!" ngiti-ngiti nitong sinabi.

Paul sighed. "Ano, tayong tatlo lang? 'Wag na lang!"

Gideon agreed. "Ako rin di na sasama. Ikaw na lang pala Xyrill."

Agad na tumawa si Paul nang makitang nakabusangot si Xyrill dahil sa sinabi nilang dalawa.

"E 'di, 'wag na lang kaya tayong mag-celebrate ng anniversary natin ano?" Umirap si Xyrill.

"I'll come..." buong tugon ni Jonas.

Lahat kami ay tumingin kung nasaan siya. Pinuntahan ko pa lang siya kanina, medyo may sinat pa siya tapos nandito na agad siya? Baka mabinat lang siya. Sinabi ko na kasing huwag munang pumasok!

"Sir! Magaling ka na ba? May sakit ka raw ah?" nag-aalalang tanong ni Xyrill.

Ngumiti si Jonas. "Wala na. I have a good nurse." Tumingin ito sa'kin.

I gulped.

"That's good. So you're saying... sasama ka sa'min, right, Sir? Where do you want to go, Manila or just here in Catanduanes?" tanong ni Xyrill sa nakahalukipkip na si Jonas.

"Kayo ba, saan niyo gusto?"

"Paul and Gideon, sa Manila. I just want here in Catan. How about you?"

"How about..." he looked at me. "Anna?"

Xyrill chuckled. "Hindi 'yan sasama."

"Really?"

Sasama si Jonas. Ngumuso ako dahil gusto ko na rin tuloy sumama. Pero magpapaalam muna ako kay Papa. Saka na lang ako magsasabi na sasama ako kapag pumayag na si Papa. It will be on Friday to Sunday. Walang pasok kaya may mag-aalaga naman kay Vane.

"Sumama ka na kasi, Anna!" tugon naman ni Paul.

"I'll ask my father first. Baka kasi, walang mag-alaga kay Vane." Mahinang tugon ko.

"Ay oo! Tama!" Paul snapped and nodded.

"So sasama ka, Sir Jonas?" baling ni Xyrill kay Jonas.

Jonas pressed his lips and think. Tiningnan niya muna ako at pinagmasdan.

Ano kayang iniisip nito?

"I don't know yet. Titingnan ko," aniya.

"Ay! So paasa," Ngumuso si Xyrill.

Ngumisi ako habang nagtatrabaho. Gusto ko siyang makasama, kung sakaling aalis ako so magpapaalam talaga ako kay Papa. Siguro naman papayagan ako ni Papa dahil hindi naman na ako nakapag-Maynila simula nang umuwi ako rito para makapag-trabaho.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon