Chapter 24

34 2 0
                                    

Chapter 24

No

"OMG! I missed you, Marilima!" sigaw ko nang makarating sa paboritong beach sa Catanduanes.

I heard Jonas' laugh, pero natatabunan ng malalakas na hampas ng alon.

I'm just wearing my dark mini orange dress. Naka-paa lang din dahil sa buhangin. Pumunta ako sa seaside para basain lang ang dalawang paa at umabot lamang ito hanggang binti ko, hindi pa abot sa aking dress. Naglalaro ako ng buhangin habang si Jonas ay ayaw sumama sa'kin dahil naka-sapatos daw siya.

Humarap ako sa kaniya at tinawag siya.

"Halika na kasi, Jonas! Ang boring naman nito!" nakangusong tugon ko dito.

Hawak-hawak niya ang DSLR camera niya, kanina pa picture nang picture. Hay nako, dapat kasi ako na lang ang pinicturean niya para mas okay.

Ngumiti ako nang makitang seryoso siyang kumukuha ng picture sa sunset. Kung may camera rin sana ako, gusto rin sana siyang kunan ng litrato.

"Jonas! Jonas! Jonas!" pangungulit ko sa kaniya kaya napaharap siya sa'kin at binaba ang camera na nakasabit sa kaniyang balikat.

"Yes?" rinig kong sinabi niya kahit maingay ang hampas ng alon.

"Samahan mo ako, sabi ko!" I demanded.

"Your father's waiting for you. Magtatagal tayo kapag sinamahan kitang maglaro d'yan." He chuckled. "You come here, and let's go home."

Inabot niya ang kamay sa'kin kaya nakanguso ko itong kinuha.

"Madali lang naman. Ang KJ naman nito!" umiiling kong sinabi.

"Mapapagalitan tayo ng tatay mo. Next time na lang," he tried to persuade me.

"Okay! Bukas ba, ganon?" agad siyang natawa sa sinabi ko.

Gustong-gusto ko talaga kasing maligo sa beach. Hindi naman kasi ako umiitim kahit na anong painit ko kaya pinagsasamantalahan ko kapag nandito ako sa Marilima.

"If that's what you want, then..." he nodded his head.

Nagliwanag ang mukha ko at agad na sinuot ang aking tsinelas. Pumunta muna ako sa gilid kung saan may gripo at doon naghugas ng paa.

"Kuya Jonas! Ang ganda po ng hair clip na binigay niyo. Pano niyo po nalaman na gustung-gusto ko ng hairclip?" masiglang tugon ni Nadine habang hawak ang kaniyang color gold hairclip na kumikintab pa.

"Naisip ko lang kasi na bagay sa'yo kaya binili ko." Nakangiting tugon naman ni Jonas habang katabi si Jarred.

"Thank you rin pala Kuya sa sapatos. Sobrang cool neto kapag nagsayaw ako. Pwedeng gamitin sa competition!" masayang sinabi rin ni Jarred.

"Wow, you're good at dancing? Galing ah..." tumatangong sinabi ni Jonas at naghigh five kay Jarred.

"Oo naman Kuya Jonas. Hindi ko nga po alam kung kanino ako nagmana, kasi 'din naman magaling sila Ate at sila Papa." Seryosong tugon ni Jarred na ikinataw naman ni Jonas.

"But, your Ate's so good at coding, Red. Hindi binibigay ng Diyos ang lahat."

"Yes, Kuya I got your point! Tingnan mo ako, Jarred, kung matalino pa ako at magaling sumayaw, baka mainis na sa'kin ang mga babae dahil sa kagandahan ko," napangiwi ako sa sinabi ni Nadine.

Hindi ko alam kung kanino siya nagmana ng kahanginan niya. She's just so overconfident with her beauty, kahit sa mga kaibigan niya. I know she's just using it for humor, but I believe that it's sometimes annoying.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon