The Hidden Flaws

287 13 9
                                    

Prologue

Nagsimulang magaan at masaya ang kuwento ng binabasa kong nobela. Pagkatapos kong mag-code sa subject naming Programming, hindi na ako natulog at nagbasa na lang ng novel book. Hindi naman ako mahilig pero ayoko lang antukin dahil may pasok pa mamaya. Isang oras na lang at tutunog na ang alarm clock ko.

Ayoko nang i-tulog 'to dahil alam kong hindi ako magigising ng alarm clock. Sa boses ni Marta, pwede pa, pero gigisingin lang ako no'n kapag malelate na. Pag-daan ng ilang minuto ay naiiyak na ako sa kuwento ng binasang libro kaya medyo namumula na ang mata. Pinipigilan ko lang talagang makatulog pero gusto na'ng pumikit ng mga mata ko.

Pipikit lang naman ako, hindi ako matutulog.

Akala ko ay hindi na ako makakatulog pero nanlaki ang mata ko nang biglang magising. Na-realize agad kung ano pa bang dapat kong gawin.

Late na ba ako? What the hell! Ma-le-late na nga ako! Dali-dali akong tumayo at nag-asikaso para makahabol pa sa klase. Si Marta ay nakita kong naka-ayos na at ready to go na. Hindi man lang nanggising!

Fifteen minutes lang ang pag-aasikaso ko. Maliligo na lang ako ulit mamayang gabi. Tiningnan ko ang relo ko at napakagat ng labi. Narinig ko nang sumisigaw si Marta sa labas.

Ayos, hindi ako ginising tapos ngayon...

Tiningnan ko ulit ang relo kong binigay ni Papa. Miss ko na si Papa. Gusto ko mang umuwi ng probinsya ay 'di ko magawa. Andito kasi ang scholarship ko sa syudad.

"Anna! Ano na? Malelate na tayo!" ani Marta, friend, classmate and may-ari ng bahay na inuupahan ko.

"Wait! Sapatos na lang!" Napabuntong hininga ako saka tiningnan ulit ang relo.

Ilang weeks na lang, sembreak na namin. Makakauwi na rin ako. Konting tiis na lang talaga, Anna at makikita mo rin ulit ang pamilya mo.

Naalala ko noon na gustong-gusto kong mag-isa. Sabi ko pa noong bata ako na hihiwalay ako kina Papa at Mama kapag college na ako dahil gusto kong maging independent.

At ngayon, mag-isa na pero na-mi-miss ko naman ang pamilya ko.

Napailing na lang ako sa naisip saka naglagay ng lip balm bago umalis.

"Leche naman, Anna! Three minutes na, oh!" sigaw nanaman ni Marta sa labas ng kwarto ko.

"Oo eto na! Mauna ka na kasi sa labas. Ilabas mo na 'yung motor!" sigaw ko pabalik para magkarinigan kami.

Hindi na siya umimik kaya alam kong ginawa niya na yung sinabi ko.

"Ang tagal. Pagnalate talaga tayo, ililibre mo akong lunch." She said with a little bit of excitement.

Napangiwi naman ako.

"Kapag hindi tayo late, ako ang ililibre mo. Sakto, 'yung budget ko pang-isang meal na lang. I'll drive." Suggest ko saka nag-wink.

"Deal." Tumawa lang siya saka nagsuot ng helmet.

Sumakay kaming dalawa sa motor. Angkas ko na siya kaya pinaharurot ko na agad ang motor pagkasuot ko ng helmet.

I have a license. Twenty years old na rin naman ako kaya pwedeng-pwede na mag-drive. Natuto akong mag-motor noong high school dahil tinuruan ni Papa. Ngayon, I'm already a third year college student of Bachelor of Science in Information Technology in Saint Joseph School.

"Five minutes and I'll win!" sigaw ni Marta sa likod ko.

Mas lalo ko pang pinaharurot ng mabilis ang motor. Malapit lang naman ang school namin, but it's better if I drive since meron namang motor. Hindi sa'kin 'to pero pinapahiram sa'kin palagi ni Marta. Kahit maingay siya sa bahay, mabait at mayaman siyang kaibigan.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now