Kabanata 17.1

6.4K 174 7
                                    

Continuation...

•••

“Kat!” sigaw ng isang lalaki.

Paglingon ni Katleya, si Blue. May nakasabit na gitara sa likuran nito at makikita mo sa mukha niya ang labis na saya.

“Wala ka bang napapansin?” tanong ni Blue.

Tiningnan na Katleya mula ulo hanggang sa paa ang kaibigan. “Bagong gupit, bagong kulay ang buhok, may bitbit na gitara.”

Ngumuso si Blue na para bang may hinihintay na sagot sa dalaga. “Iyon lang? Hindi ka ba napogian sa akin?”

“Kung hindi man. Parang sinabihan ko na rin na panget ang boyfriend ko. Pero totoo, mas pumogi ka. Bagay sa iyo.”

“Iyan lang naman ang gusto kong marinig, e. Pinatagal mo pa.”

“Sorry.”

“Kat, samahan mo ako mamaya sa garden, ah? Kakantahan kita.” Napakamot ito sa ulo nang maalala ang nakaraan. “’Wag na lang pala. Hindi ba nagustuhan mo ako dahil doon?”

Nahampas ito ni Katleya. “It was my honest mistake, okay?”

“Mistake mo mukha mo. Mistake na lang kunware dahil hindi makapaniwala sa isang titig ng malibog, nahulog.” Tumawa si Blue matapos masabi iyon. Para itong isang bata.

Namumula si Katleya. “Stop teasing me, Blue. Kainis ka!”

“Bakit kapag nandito ka, nababaliw ako, nababaliw sa tuwa ang puso ko.” Sinuntok ito ni Katleya dahilan para mapahinto ito... “Aray ko! Totoo naman, e!” Mas lumapit si Blue sa kaibigan niya at inakbayan ito. “I love you sa pikonin kong best friend.”

“Anyway, kinuwento pala sa akin ni Red. Okay na raw kayo ng parents mo. Masaya ako para sa iyo.”

“Salamat. Pero may kapalit nga lang. Banal-banalan na ako. Pempem no more.”

Napatawa naman si Katleya. “Iyong bibig mo talaga.”

“Sinasabi ko lang naman ang totoo, e.”

“Mas okay na 'yan. Kaysa naman sa kung sinong babae ka nakikipaglaro. Paano kung magkakasakit ka dahil diyan sa bisyo mo? Kaya kung ako sa iyo, maghintay ka na lang sa babaeng para sa iyo.”

“Oo na. Pero saan na kaya iyong babae na iyon? Sana masarap siya tapos masikip.”

Napailing-iling na lang si Katleya. “Ewan ko sa iyo. MaliBLUEg ka nga!”

“Kat, kunan mo ako ng chuckie sa bag,” utos ni Blue. Nahihirapan kasi siyang kunin ito dahil may dala siyang gitara.

Pagbukas ng dalaga sa bag nito, namangha siya sa nakita. May dala itong gamit pang-eskuwela. Alam niya kasing hindi ito nagdadala dahil base sa kuwento ni Blue sa kanya, nawalan na ito ng ganang mag-aral.

“Ito oh.” Pag-abot niya. “Himala. May dalang notebooks.”

“Kailangan ko na kasing mag-aral nang mabuti,” sabi nito sabay inom sa hawak na chuckie.

“Iyan ang ang Blue namin. Good for you!”

Tiningnan niya ang dalaga. “Ubusin mo itong chuckie para may energy ka.”

Tinanggap ito ni Katleya at ininom. “Salamat. Para ka talagang bata. Ang hilig mo rito.”

“Masarap kasi. Nakakagaan ng pakiramdam,” masayang sabi ni Blue.

“Mabuti nakita mo ang pampagaan ng loob mo.”

“Kapag nahuhuli kasi akong umiiyak ni Pula noon, binibigyan niya ako ng ganyan. Tapos kapag ininom ko na, napapatigil ako sa pag-iyak. Alam mo ba kung ano ang realization ko roon?”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now