EPILOGUE 3.1

13.2K 471 96
                                    

Continuation...

•••

ISANG BUWAN na ang lumipas mula nang nakaupo si Blue bilang ang bagong CEO ng Montengero Inc.. At pitong buwan na rin na nawala si Katleya sa buhay niya. Ang pinagtataka niya, kung bakit hindi na niya kayang maging masaya. Oras-oras ay pumapasok si Katleya sa isipan niya, minu-minuto ay nangungulila siya rito, at segu-segundo ay umaasa siyang babalik ito. Gusto na niya itong makita at muling makasama.

Nang nakaraang tatlong linggo, hinanap niya si Katleya sa America, Korea, Japan, at sa iba pang parte ng mundo dahil sa pagbabakasakaling makita ito. Ang alam niya kasi ay umalis ito sa ibang bansa. Hiniling ni Blue kay Amber na sabihin nito kung nasaan si Katleya, pero tikom ang bibig nito. Kahit ang pamilya ni Katleya ay walang balak na sabihin kung nasaan ito, iyon kasi ang hiling ng dalaga. Nirerespeto ni Blue iyon kaya siya na lang mag-isa ang naghanap kung nasaan ito.

Sa mga oras na ito, papauwi na siya sa bahay nila galing sa kanilang kumpanya. Nang dumating na siya, dumiretso siya sa kanyang kuwarto. Napagod kasi siya sa araw na ito. Masasabi niyang mahirap pa lang magpapatakbo ng isang kumpanya. Araw-araw ay ginagalingan niya dahil maraming maaapektuhan kung hindi niya ibubuhos ang lahat. Nakatanim na sa isipan niya na ang libu-libung empleado na pinapakain niya. Sa kanya ito umaasa kaya seryoso talaga siya sa ginagawa niya.

Paghiga niya sa kanyang kama, larawan nilang dalawa ni Katleya ang bumungad sa kanya. Bumangon siya sa kanyang higaan at tinitigan lang ito.

“Miss na kita, Kat,” ani Blue. Nangingilid ang luha nito. “Sobrang miss na kita. Tama nga si Amber, magsisisi ako sa ginawa ko sa iyo. Dahil ang tanga ko na ngayon ko lang naramdaman ito, ngayong wala ka na.” Humagulgol ito. “Na mahal kita. Hindi bilang isang itinuturing na kapatid at kaibigan. Mahal kita na higit pa roon. Please, bumalik ka na.”

Napatigil sa pag-iyak si Blue nang maalala ang regalo ni Red. Sinabi nito noon na buksan niya lang ito kung sigurado na siyang may minamahal na siya. Bumangon siya sa higaan niya at kinuha ito sa drawer. Pagkakuha niya rito, nanginginig ang kamay niya. Hindi niya alam kung ano ang meron. Hindi niya alam kung ano ang koneksyon nito sa oras na siya ay magkagusto. Dahan-dahan na niya itong binuksan. Pagkabukas niya, nanlaki ang mga mata niya. Dalawang pilak na singsing at isang flashdrive.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at sinaksak ang flashdrive sa 82 inches niyang telebisyon sa loob ng kuwarto niya. Kinuha niya ang remote at bumalik na sa higaan niya. Sinubukan na niyang hinanap ito. Napaiyak naman si Blue nang makita ang file name.

“Redrigo’s first and last VLOG2018.”

Pinindot na niya ito at bumungad sa kanyang mga mata ang masayang mukha ng kapatid niya. Humagulgol siya dahil lalo lang nadurog ang puso niya nang makita ito. Sobrang miss na niya ang kapatid niya.

“Hey, Asul!” pagbati ni Red. Umupo ang binata sa kama kung saan siya nakaupo sa sandaling ito.

“Hi, Pula,” umiiyak na pagbati ni Blue.

“Umiiyak ka ngayon, tama ba? Miss mo ako? Kunin mo ang unan ko na nasa tabi mo, yakapin mo.”

Kinuha ni Blue ang unan na nasa gilid niya at niyakap ito nang sobrang higpit. Ni minsan hindi niya nilabhan ito para mananatili ang amoy ng kapatid niya.

“Asul,” sambit ni Red.

“Mukha mo, Asul,” umiiyak na sagot ni Blue.

“Alam mo....” Napatigil si Red. “Hindi ako manghuhula, ha. Pero may nararamdaman akong mawawala ako. Iyong feeling ko, hindi kita masasamahan sa pagtanda. Hindi ko makikita ang pagbabago mo. Hindi kita masusuportahan sa mga gagawin mo.” Tumulo ang luha ni Red. “Sa totoo lang, Asul? Kung papipiliin ako? Ayaw kong mawala sa tabi mo. Dahil sobrang mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita, ’di ba?” Pinunasan ni Red ang luha sa mga mata niya habang nagsasalita. “Palagi kong sinasabi sa iyo na mahal na mahal kita at ikaw ang buhay ko. Hindi akong magsasawang sabihin iyon kahit na ngayon.” Tumingala sa kisame si Red pagkatapos huminga nang malalim at muling tumingin sa video na nasa harapan niya. “Kumusta ka na?”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now