Kabanata 3

21.8K 724 150
                                    

KABANATA 3


“Psssst,” pagtawag ni Red kay Blue na nakatingin sa rearview mirror ng kanyang sasakyan.

Magkasabay ang dalawa na pumunta sa unibersidad. Nakikisakay lang si Blue rito at nasa likod siya ng sasakyan umupo.

“Bakit? Kung pagagalitan mo lang ako? Shut up. Kumakain pa ang guwapo,” anang Blue na ngumunguya ng mamon at may hawak ng paborito niyang chuckie.

“Kung pabababain kaya kita sa sasakyan?” pagbabanta ni Red. Ang talas ng tingin nito sa kambal niya.

Napakamot sa ulo si Blue nang maalala ang nangyari noon na pinababa talaga siya ng kapatid niya sa gitna ng kalsada. Sinagot niya kasi ito nang pabalang.

“H-hindi na pala ako kumakain. Naalala ko na. Ano?” Ngumisi ito para hindi mahalata ng kambal niya ang takot sa kanyang mukha.

“Saan ka galing kagabi?” si Red.

“Sa church po. Nagdasal na sana bumait na ang kambal ko,” sagot ni Blue.

“Hindi ako nagbibiro, Asul. Saan!” inis na sigaw ni Red na nagpagulat sa kambal niya.

“S-sa i-iisipin ko m-muna.” Nauutal na ito. “Ahh! Sa bahay pala nila Luntian,” pagsisinungaling nito.

Inihinto ni Red ang sasakyan. “Baba.”

“A-ako? Bakit? Pula naman, e! Mahuhuli ako. Alam mo naman na nag-aaral ako nang mabuti, ‘di ba?”

“Nag-aaral nang mabuti? Tapos tres lahat ang grado? Saan ang mabuti roon? Baba,” maawtoridad na utos ni Red.

“Kahit sabihin mo pa kay Luntian.”

“Baba.”

“Pula naman, e!”

“Iba ang sinabi sa akin ni manong guard,” anang Red.

Nagpanga-nga si Blue dahil sa narinig...

“Ano? Magsisinungaling ka pa?” inis na tanong ni Red.

Napakamot sa ulo si Blue. "S-sinabi niya? L-lahat? Tsss! Wala na naman akong takas.” Huminga ito nang malalim. “Oo na, nasa school ako kagabi. Nag s*x kami ni Selena sa field. Pinagtulungan namin siya. Ang sarap niya po, twinnie.”

“Hindi ka pa ba nadala sa s*x scandal mo, Asul? Huwag mo naman ilagay muli sa kahihiyan sina Mom at Dad. Sa school niyo pa talaga ginawa ang kababuyan niyo!? Baba.”

Napabuntonghininga si Blue. Pagkatapos, binuksan niya ang sasakyan at lumabas. Isinara niya nang malakas ang pinto dahil sa sobrang inis. Naririndi kasi siya sa panenermon ng butihing kapatid. Dahil hindi ito mapakali sa ginawa niya, muli itong bumuntonghininga sabay bukas sa pinto ng sasakyan.

“Baba mo mukha mo!” sigaw ni Blue at muling isinara nang napakalakas ang pinto ng sasakyan.

Nagpaharurot na si Red nang takbo at iniwan ang kapatid sa tabi ng kalsada. Sobrang naiinis lang siya rito dahil hindi pa rin ito nadala sa nangyari sa kanya noong kumalat ang scandal nito. Naaawa lang siya para sa magulang niya. Hindi kasi ang kambal niya ang napapahiya sa ginagawa nito kung hindi ang mga magulang nila. Gusto niya lang ipaintindi rito na mag-ingat sa mga kinikilos nito dahil nagrereplekta ito sa pamilya nila. Pero nakaugalian na talaga ng kambal niya ang ganoong mga gawain.

Nasa gilid ng kalsada si Blue at nakasimangot na naghintay ng masasakyan. May humintong puting van sa harapan niya, kaya napataas ang kilay niya. Hindi ito pamilyar sa kanya kaya napaatras siya. Kahit siraulo siya, may kinatatakutan din ito.

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon