Kabanata 1

33.5K 868 498
                                    

KABANATA 1


YEAR 2018

Tahimik na nag-aaral si Katleya sa ilalim ng isang mahogany tree sa garden nila sa Montenegro University. Ito ang kanyang paboritong tambayan dahil isa ito sa pinakamagandang lugar dito sa unibersidad. Marami kasing mga magagandang bulaklak na nakapalibot. Nandiyan na ang iba't ibang kulay ng rosas, daisy na sabay-sabay na sumasayaw tuwing may malakas na hangin, at sunflower na ginawang outline sa buong laki ng garden. Nagmistula itong pader na napakagandang tingnan.

Inaaral ni Katleya ang bawat detalye ng paksang tatalakayin mamaya sa kanilang klase, subalit napatigil siya sa ginagawa niya nang dumating si Red, ang isa sa mga anak ng may ari ng Montenegro University. Binigyan niya ito nang malapad na ngiti ngunit bigo siyang pansinin nito.

Si Redrigo McArthur X. Montenegro o kilalang si Red ay isang supladong binata ngunit mayroong taglay na kaguwapuhan na kayang nakawin ang puso ng kababaihan sa isang kindat lang. Isa na sa listahan doon si Katleya. Matagal na niyang gusto ang binata ngunit wala itong interes sa kanya kahit isa siya sa pinakamagandang estudyante sa unibersidad nila. Nasanay na rin siya roon dahil sinanay siya ng binata na hindi siya rito mahalaga.

Umupo si Red sa isang bench sa harapan ng puno kung saan nakaupo si Katleya, kaya ngayon, magkaharap na silang dalawa. Nawala naman ang atensyon ni Katleya sa librong hinahawakan at nakatuon lang ito sa nagbabasang binata na nasa harapan niya. Hindi niya naman napigilang mapangiti nang makita ang librong binabasa nito, ito ay isang diksyonaryo. Lalo siyang namangha sa binata dahil sa natuklasan niya.

Napayuko naman si Katleya nang tiningnan siya ni Red. Nahihiya itong nahuli na palihim na nakatingin sa binata.

"Pssst. Ayusin mo ang upo mo, nakikita ko ang shorts mo," maginoong batid ni Red.

Agad nag-ayos ng upo si Katleya. "Sorry."

"Magpasalamat ka at hindi ako katulad ng iba. You're pretty, mag-ingat ka sa susunod," wika ni Red sabay tayo para umalis kahit kakarating lang nito. Mukhang naiilang ito dahil sa nakita niya. Hindi siya sanay.

Nang makatayo si Red, aksidente nitong nahulog ang diksyonaryong hawak.

Nanlaki naman ang mga mata ni Katleya sabay takip sa kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Ang nasa loob pala ng diksyonaryong binabasa ng binatang nagpapatibok sa puso niya ay isang puting libro na pamilyar sa kanya. Ito ay isang published book ni Cecelib na Possessive Series.

Agad pinulot ni Red ang libro at makikita mo sa mukha niya ang pamumula. Habang tinitingnan ito ni Katleya, hindi niya mapigilan ang sarili na hindi tumawa dahil sa naging reaksyon ng binata.

"Psst! Huwag mo akong husgahan. Huwag mong ipagkalat ang nakita mo, ha?" nahihiyang sabi ni Red.

Hindi makasagot si Katleya dahil sa katatawa. Ang buong akala niya, nag-aaral lang ito ng mga salita, pero mali pala siya. Nagbabasa pala ito ng akdang may dyanra na erotika.

Lumapit si Red kay Katleya sa bench kung saan ito nakaupo. "Psst! Tama na, nahihiya tuloy ako. Curious lang kasi ako. Sikat kasi ito kaya binili ko. Pero hindi ko talaga alam na marami pala itong bed scenes. Kung alam ko lang? Hindi ko talaga bibilhin," paliwanag nito.

"You don't need to explain. It's normal," natatawang sabi ni Katleya.

"Hindi, ha. Pero dahil nasimulan ko na. Tatapusin ko na lang," pagsisinungaling ni Red. Kahit ang totoo, paborito niya talaga ang libro. Dahil maliban sa dyanra nito, maraming aral din ang napupulot dito. Katulad nang malakas na pundasyon ng pagkakaibigan.

"Anong series ka na ba?" tanong ni Katleya.

"6. Dark Montero," pahiyang sagot ni Red.

Muling napatawa si Katleya. "Tinapos lang pala, ha?"

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now