Kabanata 4

20.3K 696 69
                                    

KABANATA 4

NASA cafeteria sina Blue, Red, Grey, at Green para sa kanilang pananghalian. Nagkukuwentuhan at nagtatawanan ang mga ito maliban kay Red na madalang lang magsalita. Tahimik ang binata na nakikinig sa mga kaibigan niya.

Lahat silang apat, kumuha ng kursong Business Administration, Major in Finance. Nasa elementarya pa lang sila nang magkakilala. Kaya nakabuo na sila nang matatag na pagkakaibigan.

“I have a new friend. She's coming here to be with us,” pag-iba ng usapan ni Blue.

“She? I smell something good. Another food to eat?” tanong ni Grey. Binigyan ito nang matalim na tingin ni Red. “Sorry,” anito. Nasindak siya sa titig ng kaibigan.

“She's my friend. At ‘wag niyong subukan na bastusin ito or else, ako ang makakalaban niyo,” pagbabanta ni Blue.

Palihim na napangiti si Red nang marinig ang mga salitang iyon na nagmula sa kapatid niya. Nasa tabi siya ng kapatid niya at nasa harapan naman niya si Green.

“Then who is she?" nakakunot-noong tanong ni Green. Nasa tabi ito ni Grey nakaupo, sa kanan.

“She's already here.” Tumayo si Blue. “Katleya!” pagtawag nito.

Napatingin si Red sa dalaga sabay kamot sa kanyang ulo. Naalala niya lang ang nangyari kahapon sa garden. Nahihiya siya roon. Ang katotohanan, buong gabi niya iyon iniisip.

“Wow! Miss Montenegro is in the house,” namamanghang sabi ni Green nang tiningnan ang paparating na dalaga.

“Kailan kayo nagkakilala, Blue?” pabulong na tanong ni Grey.

“Kahapon sa garden.” Dumating na si Katleya kung saan nakaupo ang magbabarkada. Tumayo naman si Blue at inakbayan ang dalaga. “Hi, Kat. Meet my friend.” Tiningnan ni Blue si Grey. “Si Grey, ang pinakamalandi at guwapo sa grupo.” Inilipat niya ang tingin kay Green. “Si Green, ang pinakabata at matipuno.” Tiningnan niya si Red na tahimik sa kinauupuan. “At 'yang nakasimangot na feeling kamukha ko, titigan mo. Feeling, 'di ba? Nakalimutan ko na ang pangalan niya, basta ang naalala ko lang, masama ang ugali niya sa akin,” anang Blue. Nagtatampo pa rin ito sa kambal niya dahil pinababa siya nito kanina sa sasakyan.

“Hi,” pormal na pagbati ni Katleya sa lahat.

“Hello, Ms. Swalla.” si Grey.

“Miss Montenegro,” si Green.

“Have a seat,” ani Blue. Pinaupo niya ito sa kinauupuan niya kanina. Kumuha naman siya ng panibagong upuan sa tabi ng table kung saan sila nakapuwesto. “Kumain ka na ba? I will take you an order.”

“Wow! Gentleman,” pang-aasar ni Grey sabay high-five kay Green na nasa tabi niya.

“Stop teasing me,” anang Blue.

“I know both of you think that Blue has a plan towards me. But I know, he is sincere and real to me. I trust him,” ani Katleya.

“Agreed.” Nakangising tumingin si Blue kay Katleya. “At hindi ko sisirain iyang tiwala na ibinigay mo sa akin. Pangako ko 'yan.”

Nanlaki ang mga mata ni Red sa narinig sa kanyang kambal. Minsan lang kasi naging seryoso ang kapatid niya.

“Noted,” si Katleya. Tumingin ito sa tabi niyang si Red. “Hi, Red.”

Tumango lang si Red at hindi man lang nagsalita. Pagkatapos, tumayo na ito para umalis. Naiilang pa rin siya rito.

“Red,” sambit ni Katleya.

Lumingon ang binata sabay taas ng kaliwang kilay nito. “What?”

“S-saan ka? Puwedeng dito ka muna?”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now