Kabanata 22

10.1K 384 56
                                    

KABANATA 22

“Hi, Teressa!” pagbati nina Red at Blue.

Gabi na at dumating na sila sa bahay ng lola ng dalaga. Nakasuot silang dalawa ng denim jacket habang may plain round t-shirt sa loob. Kulay asul kay Blue at pula naman kay Red. Sa pang-ibaba, pareho silang nakasuot ng black tattered jeans. At ang suot nilang sapatos ay docksider. Lalong pumogi ang dalawa dahil sa istilo ng kanilang buhok. Messy hair kasi ito na hiniling pa ni Blue.

“Salamat dahil nakapunta kayo,” masayang sabi ni Teressa. May hinahanap ito. “Iyong iba? Sinabihan niyo ba sila? Si Katleya?”

“Nahihiya ang dalawa. Pagkatapos si Kat, may dalaw,” sagot ni Red.

Napalingon rito si Blue habang nakangiti. Mukhang may pumasok sa madumi nitong isipan.

“Bakit alam mo? Kayo, ah?” natatawa nitong sabi.

“Sinabi niya lang sa akin,” sagot ni Red sabay hampas sa tiyan ng kanyang kapatid.

“Aray ko!” reklamo ni Blue. Inakbayan niya si Teressa. “Tara na sa loob?”

“Excited lang, Asul?” nakangiting tanong ni Red.

“Mukhang gutom ka na, e.”

“May tama ka.”

“Nakakatuwa talaga kayong dalawa. Mabuti pang pumasok na nga tayo sa loob.”

Nasa garden na sila. Doon kasi ang venue ng birthday party. Ang daming tao, may mga matatanda, bata, at mga kaedad nila. Umalis muna sandali si Teressa dahil may pinuntahan ito. Naghahanap naman ng mauupuan ang dalawa. Nang may nakita sila, agad na silang umupo para makapagpahinga ang kanilang mga paa.

May limang babae naman na lumapit sa magkapatid sa mesa kung saan sila naka-puwesto.

“Hi!” nakangiting bati ng babae. Nakasuot ito ng off-shoulder na crop top. Makikita mo rin ang magandang hiwa nito sa dibdib.

“Hello. I like your cleavage,” sagot ni Blue dahilan para makatikim siya ng siko mula sa kapatid.

Umupo ang limang babae sa table ng dalawa. Nakaramdam naman ng pagkailang si Red dahil bago ito sa kanya. Hindi siya sanay na may mga babaeng nakapalibot sa kanya.

Inabutan sila ng inumin ng isa sa kasama ng mga babae. Balak nitong makipag-inuman sa guwapong binata na nasa tabi nila.

“Let's drink?” sabi ng isa sa mga babae.

“Ayaw ko,” sagot ni Red.

Hinawakan ng babae ang hita ni Red dahilan para matigasan ito. Hindi ito makagalaw.

“It’s disrespectful kung tanggihan mo kami,” bulyas ng babae na nagpapabago sa isipan ng binata.

Tinanggal ni Red ang kamay nito sa hita niya. “Fine.”

“Good,” sagot ng babae sabay pisil sa pisngi ni Red.

Si Blue naman ay pinalibutan ng tatlong babae. Ang isa, nakahawak sa hita nito habang ang isa ay hinaplos-haplos ang likuran nito at ang panghuli, nakayakap sa matigas na braso nito. Ang laki ng ngiti ng binata dahil mga magagandang dilag ang nakapalibot sa kanya.

“Ang aggressive niyo, ah? Pero I like it,” masayang sabi ni Blue.

“Really? That’s good,” mapangahas na sagot ng isa sa tatlong babae.

“Pero baka may boyfriends kayo, ah! Mayayari ako nito,” pag-aalala ni Blue.

“Nope. Just so you know, we are young, wild, and f*cking free,” bulong ng isa sa mga babae.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now