EPILOGUE 1

12.4K 409 69
                                    

EPILOGUE 1: Katleya And Amber

Pagkaalis nila Katleya sa mansion ng Montenegro, pinaalahanan ni Crezelda ang lahat ng bisita nila na walang sino man ang magtangkang mag-upload ng larawan ni Katleya. Dahil kung hindi, mapaparusahan ito. Tinawagan niya rin ang IT expert na nagtrabaho sa mansion nila para i-check lahat ng phones ng mga bisita na nasa loob. Pinabura niya lahat ng mga larawan ni Katleya. Hindi hahayaan ni Crezelda na masisira ang relasyon nila ng Quizo dahil sa insidenteng iyon.

Pagkatapos mapagsabihan ni Crezelda ang lahat, pinuntahan niya ang anak sa kuwarto nito. Pero nakakandado ito. Ayaw nitong magpadesturbo. Bumuntonghininga na lang si Crezelda, kahit hindi pa niya alam ang buong nangyari. Alam niyang hindi ito simple.

Dumating naman si Zander na may dalang palakol, pero pinigilan na ito ni Crezelda na ipagpatuloy ang gusto nitong gawin. Gusto niyang bigyan muna ng oras ang anak niya. Positibo naman siyang walang gawin na masama ang anak niya.

•••

[Amber: Kuya, sa amin muna matutulog si Kat. Salamat po.]

[Black: Okay. Ingatan mo siya.

Pero bakit hindi kayo nagpaalam na umalis kanina?

Kahit nag-text man lang.

Pinag-aala niyo kami. Pero dahil sinabi mong nasa buhay niyo siya. Kampante na ako.

Pero, Ber? Bakit kayo nandiyan? Ihatid mo na lang siya rito.]

[Amber: Gabi na raw masyado. Dito na lang daw muna siya.]

[Black: Okay. I-uwi mo siya bukas ng umaga, ha?]

[Amber: Okay po, Kuya.]

Pagkatapos masabihan ni Amber si Black ay umupo na siya sa kama niya. Tinabihan niya ang walang pigil sa kaiiyak na kaibigan at dinamayan sa pighating nararamdaman nito.

“Na text ko na si Kuya,” panimula ni Amber.

Tumango lang si Katleya. Suot niya ang damit ni Amber. Wala na kasi siya sa tamang kaisipan kanina kaya hindi na siya nakapagbihis. Tanging baon niya lang palabas ng kuwarto ni Blue, mga masasakit na salita mula rito

Humiga na si Katleya at wala pa rin itong tigil sa paghikbi. Humiga rin si Amber sa tabi niya at niyakap ito. Hindi naman mapigilan ni Amber na tumulo ang luha sa mga mata niya, naawa siya sa nangyari sa kaibigan. Mahal na mahal niya si Katleya kaya masakit para sa kanya na makita itong durog.

Oras ang lumipas, nakatulog na rin si Katleya. Kahit nakatulog na ang dalaga, tumutulo pa rin ang luha nito. Kaya hindi mapigilan ni Amber na manikip ang dibdib nito.

Kinaumagahan, pagkagising ni Katleya, agad itong bumangon para umuwi sa kanila. Pero pinigilan ito ni Amber dahil hindi niya hahayaan na umalis itong walang laman ang sikmura.

Minuto ang lumipas, nasa kusina na sila at nakahanda na ang agahan. Si Amber pa ang nagluto para kay Katleya. Habang kumakain ang dalawa, walang kibo si Katleya at patuloy lang sa pagtulo ang luha sa mga mata niya.

“Aalis na ako mamaya,” bungad ni Katleya sa nakabibinging katahimikan.

Nanlaki ang mga mata ni Amber sa narinig. Hinawakan niya ang kamay ni Katleya. Tiningnan niya ang humagulgol na kaibigan.

“Huwag kang magpadalos-dalos, Ka,” naluluhang sabi ni Amber. Inilapit niya ang kanyang bangko para himasin ang likuran ng kaibigan. “Sasamahan kita, hindi kita iiwan hanggang sa gumaling iyang puso mo. Alam kong sobrang nasaktan ka sa nangyari sa inyo kagabi ni Blue, pero hindi ang pagtakas ang sagot to move on.”

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon