Kabanata 19

11K 439 54
                                    

KABANATA 19

“Saan ang kapatid mo?” tanong ni Crezelda kay Red.

May bahid na pag-aalala ang mukha ng mag-ina dahil sa muntikan nang malaman ni Blue ang katotohanan tungkol kay Pinkerlia.

“Nandoon po sa kuwarto,” sagot ni Red sabay tingin sa palapag kung saan ang kuwarto nila naka-destino.

Hinawakan ni Crezelda ang kamay ng anak niya. “Red, magbantay ka sa labas ng inyong pintuan. Ipapaligpit muna namin lahat ng gamit na nandoon sa kuwarto na may kaugnayan kay Pinkerlia.”

“Okay po, Mom. Pakibilisan niyo na lang po, kilala niyo naman si Blue. Hindi na iyon mapakali ngayon,” sagot ni Red.

“Sige, mauna na kami. Tawagan mo agad ako kung lalabas na ito. Basta ’wag mong hayaan na bumalik siya roon sa fifth floor.”

“Okay, Mom. I will.”

Tumakbo na si Red papunta sa labas ng kuwarto nila. Pagdating niya, tahimik siyang nagbantay na may halong kaba.

Nagmadali namang iniligpit nila Crezelda at ng mga tauhan nito ang mga gamit na nandoon sa ikalimang palapag ng buhay kung saan makikita ang may kaugnayan kay Pinkerlia. Ililipat nila ito sa kanilang bodega sa baba ng bahay dahil malabong pumunta roon si Blue.

Mahigit isang oras ang lumipas, natapos na sila Crezelda sa kanilang ginawa. Bumaba na sila mula sa itaas at makikita mo sa mukha nila ang tagumpay sa kanilang ginawa. Mga katorseng tauhan ang kasama ni Crezelda sa pagliligpit kaya napadali ito.

Sinalubong ni Red ang kanyang ina nang makitang pababa ito. “Okay na, Mom?”

“Yes,” nakangiting sagot ni Crezelda.

Bumuntonghininga si Red. “Salamat. Susunduin ko muna ang girlfriend ko, mom. Ipapakilala ko sila sa inyo.”

“Can't wait, nak.”

“Please prepare some foods, mom.”

“Hindi puwedeng wala... Mapapahiya ang angkan natin niyan.”

Nagtawanan ang mag-ina.

“Sige na po. Mauna na ako.”

“Ingat sa pagmamaneho.”

Nakangiting tumango si Red habang pababa ng bahay nila. Nang nagmamaneho na ito palabas ng village nila, inaalala niya ang kambal niyang si Blue. Nakaramdaman siya ng konsensiya dahil ito ang kauna-kaunahang pagkakataon na naglihim siya rito. Ang kinatatakutan niya, sa oras na malaman ni Blue ang katotohanan, baka mangingibabaw ang galit nito sa lahat ng naglihim sa kanya.

•••

Hindi mapakali si Blue sa kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya, may lihim na itinatago ang pamilya niya. Para maliwanagan siya, balak niyang puntahan ang kuwarto roon sa ikalimang palapag ng kanilang bahay. 

Nang nasa tapat na siya ng kuwarto. Huminga muna siya nang malalim bago isinaksak ang susi sa busol ng pinto. Inikot na niya ito para buksan. Sobrang kinakabahan siya sa posibleng madiskubre, ngunit kailangan na niya ng sagot sa kanyang kakaibang nararamdaman.

Pagbukas ng pinto, agad siyang pumasok. Binuksan na niya ang ilaw, at nang lumiwanag ang buong kuwarto, nanlaki ang mga mata niya sa nakita dahil wala namang kakaiba sa loob.

Umupo muna siya sandali sa isang puting sofa at humiga habang napabuntonghininga na nakatitig sa puting kisame.

“Ano kayang ginawa ni Pula rito?” tanong niya sa kanyang sarili.

Napa-isip si Blue kasi wala siyang napansin na kakaiba sa kuwarto. Maliban sa malaking kama, television, makinang na chandelier, at malambot na sofa ay wala ng ibang kagamitan.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now