Kabanata 31

8.6K 364 100
                                    

KABANATA 31

“Tita, tama na po! Nasasaktan ako,” pagmamakaawa ni Blue.

Kinuha ni Belinda ang basurahan sa gilid niya at binuhos iyon sa umiiyak niyang pamangkin. Naliligo na si Blue ng mga tissues na ginawang pamunas. Sumuka muli ang binata dahil sa amoy nito. Kaya niyang labanan ang Tita niya ngunit mas pinili niyang hayaan na lang ito na ilabas ang lahat ng galit na meron ito sa kanya. Para kay Blue ay kung iyon talaga ang ikabubuti ng puso ni Belinda, handa siyang tanggapin lahat ng pananakit nito sa kanya.

“Umalis ka na sa buhay namin! Huwag mong hayaan na makapatay ka pang muli!” sigaw ni Belinda.

“Pero kailangan ako ni Pula.”

“Kailangan?” Sinipa ito ni Belinda. “Ikaw nga ang pumatay sa kanya! Hindi ka pa ba nahiya? Ikaw ang sinisisi ng lahat! Dahil sa iyo kaya namatay si Red! Bata ka pa lang ay kriminal ka na! Murderer!”

“Ano bang dapat kong gawin para mapatawad niyo po ako?” tanong ni Blue.

“Simple lang. Magpakalayo ka na!” Pumantay si Belinda kay Blue dahil nakaluhod ang binata sa sahig. Nang matitigan niya ang mukha nito, sinampal niya itong muli nang sobrang lakas. “Dahil may sumpa kang dala riyan sa katawan mo. Malas ka! Demonyo ka!” Tumayo na siya. Nang makakita siya ng balde na may laman ng tubig, kinuha niya ito at binuhos sa pamangkin. “Sige, magsumbong ka sa magulang mo. Nang magkasira-sira ang pamilya natin nang dahil na naman sa iyo.”

Pag-alis ni Belinda, humagulgol na si Blue. Sobrang nasaktan siya sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Napa-isip siya kung may dala ba talaga siyang sumpa sa pamilya nila.

Tumingala si Blue sa kisame habang walang tigil ang pagbuhos ng luha sa mga mata niya. “Sorry. Sorry kung dahil sa akin namatay kayo. Sorry Pinkerlia, Sorry Pula. Hindi ko sinasadya. Sorry kung demonyo ako. Sorry kung pinatay ko kayo.”

Umupo si Blue sa inidoro at iyak lang nang iyak. Matapos niyang magpunas, tumayo na siya para lumabas. Sa likuran siya dumaan para walang makakita sa kanya. Walang humpay pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Punas lang siya nang punas sa mga mata niya habang naglalakad. Kahit anong pilit niyang magpakatatag, hindi niya talaga kaya. Ang sakit ng mga binitawang salita ni Belinda. Nagbigay ito ng pagdududa sa sarili niya.

Habang tahimik na naglalakad si Blue, napahinto siya nang marinig ang pangalan ng kapatid niya.

“Napatay namin ang suspect sa pang-hoholdap ni Mr. Redrigo. Nanlaban kasi ito,” anang Pulis sa kausap niya.

Matagal din nakita ng mga pulis ang holdaper na pumatay kay Red. Mukhang sanay nga talaga ito sa pagtatago. Pero sa awa ng Diyos, natunton din nila ito.

Nagpatuloy na sa paglalakad ang binata papunta sa kanyang sasakyan.

“Hindi kamatayan ang gusto naming parusa sa iyo kung sino ka man. Konsensya at pagsisisi na dadalhin mo habang-buhay. Pero iyon na nga, namatay ka rin. Nawa'y patawarin ka ng Diyos sa malaking kasalanan na nagawa mo sa mundong ito,” sabi ni Blue sa isipan niya.

Pagdating niya sa kanyang sasakyan, agad itong nagpaharurot ng takbo papunta sa bahay nila. Nang dumating na siya sa kanila, agad siyang dumiretso sa kuwarto nila. Bumungad sa kanya ang mga larawan nila ni Red na magkasama na nakasabit sa dingding.

“Pula? Inaway ako ni Tita. Ang sakit lang dahil wala ng magtatanggol sa akin.” Humagulgol ito. “Kung hindi mo lang ako iniwan, hindi sana ako iiyak nang ganito.”

Naghubad na siya ng suot dahil sobrang basa niya kanina. Pumunta na siya sa banyo para maligo. Nang matapos ito, humiga siya sa kanilang kama at niyakap ang unan ng kapatid niya.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now