Kabanata 6.1

16.1K 600 65
                                    

Continuation...

[+639073121557: I like you, my princess. <3]

"Ikaw ito?" tanong ni Katleya kay Red na masayang nakatitig sa kanya.

Tumango ang binata. "Oo. Save mo, ha?"

"Sure. Ikaw pa! Malakas ka kaya sa akin, Red."

"Ikaw ha? Ang lakas mong magpakilig."

"Isa lang ang sagot niyan. Kasi gusto kita."

"Hoy! Tama na. Kinikilig talaga ako," anito. Nagpatuloy na ito sa pagkain.

"Ang cute mo. Para kang si Blue. May pagka-isip bata ka rin pala," natatawang sabi ni Katleya.

"Idol ko kasi ang kakulitan niyon. Alam mo, kahit sinusungitan ko iyon. Sobrang mahal ko 'yon. I admire his bravery. Sobrang tapang ng batang 'yon."

"Blue is lucky to have you as his twin brother."

"Mas suwerte ako sa kanya. Ano ba 'yan, mukhang maiiyak pa ako. Basta, mahal ko ang batang iyon."

"Makikita naman, e. Halata naman kung paano ka tumitig sa kanya. Napapansin ko iyon."

Nagpatuloy na sa pagkain ang dalawa. Nang matapos na silang kumain, inihatid na ni Red ang dalaga sa Engineering Department.

"Goodbye. See you later. Susunduin kita mamaya, Kat," paalam ni Red.

"Maghihintay ako. Thank you, Red." Tumango ang binata at aalis na sana. "Red," sambit ni Katleya na nagpalingon muli rito. "I heart you."

Napatakip sa mukha si Red dahil sa kilig. Hindi niya inaasahan na sabihin iyon ni Katleya sa kanya nang harapan. Grabe ang tama niyon sa kanya. Parang sasabog ang puso niya.

"Ano'ng nangyari sa iyo?" si Katleya.

"Kinikilig ako," pag-amin ni Red.

"Mukra raw ng kinikilig?" panunukso ni Katleya.

Tinanggal ng binata ang kamay nito sa mukha niya at pinakita ang buong mukha niya. "Ganito."

"Ang guwapo mo. Sige na, mauna ka na baka mahuli ka pa sa klase mo."

"Okay, bye. Hintayin mo ako, ha? Susunduin kita."

"Sige. Salamat."

Nang nakaalis na si Red, hindi mapigilang mapatalon-talon ni Katleya sa sobrang kilig. Hindi lang siya makapaniwala sa lahat.

•••

Nasa loob ng kotse ni Red si Katleya. At nandito na sila sa harapan ng mansion ng dalaga. Inihatid kasi ni Red ang babaeng gusto niya. Gusto niyang masiguradong ligtas ito. Maserbisyuhan.

Binuksan na ni Katleya ang sasakyan at lumabas. Tiningnan niya si Red sa loob. "Thank you. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo."

Lumabas din ng sasakyan si Red at lumapit kay Katleya. "Welcome. Ayaw mo ba muna akong papasukin sa bahay niyo?"

"Bakit naman hindi, Katleya?" pagsulpot ng isang boses, ang ama ng dalaga, si Fernando.

Nang makita ito ni Red, agad itong lumapit para magmano.

"Hi po. Nice to meet you, Tito."

"Blue, isang twerk nga diyan," natatawang sambit ni Fernando.

Namumula naman ang mukha ni Red sa sinabi nito.

"D-dad," nahihiyang sambit ni Katleya, "Hindi siya si Blue, si Red po siya, ang kambal niya."

May pagkamangha naman sa mukha ni Fernando. Tiningnan niya si Red. "Sorry, iho. Sobrang magkamukha kasi talaga kayo. Pasok ka muna sa loob, dito na tayo mag dinner."

"Puwede po ba? Salamat po," masayang sabi ni Red.

"Bakit naman hindi? Pumasok na kayo."

Sumunod na ang dalawa kay Fernando papasok ng gate. Nang makapasok sila sa loob, bumungad kay Red ang magarang mansion ng Quizo. Napangiti naman siya nang masaksihan ang laki at ganda nito.

Nang makapasok sila sa pinto ng sala na gawa sa puno ng narra...

"Welcome to our home, Red," si Fernando. Nilingon pa niya si Red para ipakita na welcome ito sa bahay nila.

"Salamat po, Tito. "

Nakangiting tiningnan ni Katleya ang namamanghang si Red. "Actually, it was my parents collaboration. This mansion built with love."

"Wow! Talaga?" Iginiya ni Red ang tingin sa loob ng bahay. Pagkatapos, tiningnan niya si Fernando. "Totoo po ba iyon, Tito?"

"Yes. Nasa college pa lang kami noon, kami na ng Mommy ni Katleya. We were best friends turned lovers. Noong naging kami na, our goals in life became as one. Nangako rin kami sa isa't isa na magkamatayan man, walang makakapaghiwalay sa amin. Then, we had a lot of plans at isa na itong bahay na napatayo namin. Ang sarap lang isipin na ginuhit lang namin ito noon ng sabay." Ngumiti ito sabay tingin kay Katleya. "Tapos ngayon, biniyaan pa kami ng tatlong mababait na anak."

Masayang nakikinig si Red sa sinabi ng ama ni Katleya. Pero napatigil lang ito nang may bumungad na isang babae, ang ina ng dalaga.

Lumapit si Red dito para magmano. "Nice to meet you po, Tita."

"Scandal boy. You're here," si Ezmeralda.

Agad naman nilapitan ni Katleya ang ina at inakbayan ito. "M-mom. Hindi po siya si Blue. Si Red po siya, Blue's twin brother."

"Oh my God." Tiningnan nito si Red. "Sorry."

"Kilala niyo po pala si Blue?" tanong ni Red.

"Sa amin siya sumakay kahapon. Nakita kasi siya ni Kat sa kalsada. So ikaw iyong nirereklamo niya sa Lola niya na nagpababa sa kanya. No offense, iho? Ganoon ba talaga ang bibig ng batang iyon? Walang preno?"

Napakamot sa ulo si Red sa kanyang ulo. "Pasensyahan niyo na po si Blue, Tita. Pero promise, napakabait ng batang iyon."

"I see. Umupo na muna tayo roon sa sofa."

Pumunta na silang apat sa may sofa at umupo. Tinabihan naman ni Katleya si Red na mukhang nahihiya pa. Habang ang magulang niya at umupo sa kabilang sofa sa harapan nila.

Tiningnan ni Ezmeralda si Red. "Napadalaw ka, iho? Maiba ang usapan, may kilala ka bang Redrigo McArthur sa school niyo?"

"M-mom!" pagpigil ni Katleya.

Napangiti naman si Ezmeralda habang tinitingnan ang anak niya. "'Wag ka na mahiya, nagtatanong lang naman." Muling tiningan nito si Red. "Alam mo 'yang anak ko, patay na patay 'yan sa lalaking may pangalang Redrigo McArthur."

"Ako po. Redrigo McArthur po ang pangalan ko, Tita," si Red.

"OMG!" Nakangiting tiningnan ng ina ni Katleya ang anak niya. "Hmmm. Kaya pala? Paranoid."

"Mom," nahihiyang sagot ni Katleya.

"Now I know. Why she's cazy in love with you, iho," si Ezmeralda.

"Mommy naman, e!"

Tiningnan ni Red isa-isa ang magulang ni Katleya. "Ang totoo nga, Tita at Tito." Tiningnan niya si Katleya sa tabi niya. Nang magkatitigan sila, "Crush ko rin po ang anak niyo."

"Oh my God! And let the love begin," kinikilig na sabi ni Ezmeralda.

Napangiti sa isa't isa sina Katleya at Red nang magkatitigan. Habang si Ezmeralda naman, walang tigil sa panunukso sa anak niya. Masaya lang siya para rito.





~~~

FATED TO F*CK YOU✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat