Kabanata 46

9.7K 410 53
                                    

KABANATA 46

“Labhan mo ’yan,” nakapamewang na utos ni Black.

Nakasimangot naman si Blue habang tinititigan ang bed sheet na sinukahan niya kagabi. Nasa palanggana ito at nakababad sa tubig na maraming sabon. Ngunit tinitigan niya lang ito at parang naghihintay lang ng isang himala. Himala na baka sa katititig niya, matapos ito nang hindi siya nahihirapan.

Umiling ito habang tinitingnan si Black. “Hindi ako marunong, Kuya.”

“Kayanin mo!” singhal ni Black. Pagkatapos, bumalik muna ito sa loob ng bahay nila.

Natatawang pinagmasdan ni Katleya ang kaibigan. Wala kasi talagang alam si Blue sa gawaing bahay. Sa pagsasama nila sa condo noon, salawal lang nito ang kaya nitong labhan.

“Katleya, tulungan mo ako, oh,” nakangusong hiling ni Blue. Hinampas pa niya ang bula sa harapan niya.

“Bakit ka pa kasi sumuka? Hindi ka naman sumusuka, ha?” tanong ni Katleya.

“Si Kuya kasi, nainis siya nang sinabi ko ang tungkol sa kanila ni...” Tumingin ito sa paligid. At nang masigurado niyang walang tao, ipinagpatuloy na niya ang sasabihin. “Abo, niyugyog niya ang ulo ko kaya nahilo ako at ’yon, sumuka ako. Naging instant guwapong labandero tuloy ako. Nasaan na ba iyong boyfriend mong weak?”

“Weak ka riyan. Athlete iyon, captain ball pa sa soccer team.”

“Hindi naman magaling. Wala pa ngang naiuwi na medalya iyon sa school namin. Ang weak lang,” mayabang na sagot ni Blue.

“Ingget ka lang kasi ikaw, naglalaro nga ng basketball, hindi naman maka-shoot. Yuck!” pang-aasar ni Katleya.

“At least shooter ng pokemon. Bleh!” Tiningnan niya si Katleya. “Pero noon lang iyon. Nagbago na ako. Ayaw ko na. Focus muna ako sa future.”

“Tama. Masaya ako sa pagbabago mo. Nakikita ko.”

Bumalik na si Black at may karagdagan pa itong dala. Nanlaki naman ang mga mata ni Blue.

“Ano ’yan? Hindi ko ’yan lalabhan. Bahala ka, Kuya,” pagmamatigas ni Blue.

“Ano’ng sinabi mo?” inis na tanong ni Black. Inaasar niya lang ito, ganti niya ito sa luhang tumulo sa mga mata ng kapatid niya.

“Sabi ko, lalabhan ko.” Ngumuso ito at nagpakawala nang malalim na hininga sabay palo sa palanggana na may mga bula. “I hate you, bubbles! You made me so grrrrr.”

“Tapusin mo ’yan, ha?” pagpapa-alala ni Black. Bumalik na muli ito sa loob.

Nilingon ni Blue si Katleya at binigyan nang kakaibang tingin. “Miss, ’wag kang feeling mannequin diyan. Halika’t umupo at ako’y iyong tulungan. Sa pagkakaalam ko, inihatid lang naman kita kagabi, pero bakit niyo akong ginawang labandero, ah? Tss!”

Umupo si Katleya sa harapan ng binata. Nanlaki naman ang mata nito nang bumungad sa kanya ang makinis na binti ng kaibigan. Cycling shorts lang kasi ang suot nito ’tapos nasa harapan pa niya. Ipinikit ni Blue ang mga mata niya at inayos ang sarili.

“Ano’ng nangyari sa iyo?” tanong ni Katleya nang mapansin ito. Nababalisa kasi ang binata dahil sa kinis ng dalaga.

“Ang kinis mo. Ilayo mo ako sa tukso,” pag-amin ni Blue.

“Wala ka pa rin talagang pinagbabago.” Tumayo si Katleya at lumipat ng puwesto. Magkatabi na silang dalawa. “Okay na ba ito?”

“Okay na rin,” sagot ni Blue sabay punas ng bula sa mukha ni Katleya.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now