Kabanata 24

9.8K 420 136
                                    

KABANATA 24

“Magkakilala kayo, Ate?” tanong ni Red kay Purple na kasalukuyang sinasakal sa leeg si Green gamit ang kanyang braso.

“Ano ba, bitawan mo ako!” pagrereklamo ni Green.

“Yes, kilala ko ang batang ito,” sagot ni Purple na mas hinigpitan ang pagsakal kay Green.

“Ate, binatawan mo siya. Sinaniban ka na naman ba ng amazona?” si Black.

Tiningnan ito nang masama ni Purple. “Gusto mo ikaw ang sasakalin ko?”

“Sige, siya na lang,” sagot ni Black. Tumingin ito kay Grey. “Bakit mo ako tinititigan?”

“Hindi, ah,” mabilisang sagot nito.

“Denial,” giit ni Black. Kinurot pa niya ang pisngi ng kausap.

Pinunasan ni Grey ang mukha niya. “’Wag mo nga akong hawakan. Kadiri ka.”

“Ate, Kuya? Si Kat po? Hindi po ba siya sumama sa inyo pabalik dito?” tanong ni Red. Nalungkot muli ito nang maalala ang kasintahan niya.

Pinakawalan na ni Purple si Green at lumapit siya kay Red. Sumunod naman si Black sa kapatid niya.

“Galit pa ba siya sa akin?” tanong ni Red. Nangingilid ang luha nito. “Sobrang lasing ako nang gabing iyon. Muntikan lang na may nangyari. Pinagtulungan ako ng mga babae. Mabuti na lang dumating si Asul.” Tumulo na ang luha nito. “Sorry po kasi nasaktan ko ang kapatid niyo. Hindi ko intensyon iyon.”

“Kaya ba pupunta ka sana sa amin nang mga oras na iyon?” tanong ni Purple.

Nagpunas ng luha si Red sa mga mata niya. “Oo, hindi rin kasi ako makatulog kung alam kong nasaktan ko si Katleya.”

“Red, nasaktan lang ang kapatid ko. Nagmamatigas lang iyon, pero alam kong bibigay rin iyon. Mahal ka niya,” anang Black.

“Tama si Black. At isa pa, sobrang nag-aalala siya sa iyo. Gabi-gabi nga siya umiiyak dahil sa nangyari sa inyong dalawa ng kapatid mo. Sinisisi niya rin ang sarili niya dahil sa nangyari sa inyo,” paliwanag ni Purple.

“Wala po siyang kasalanan. Kasalan ko ang lahat ng ito. Kung hindi lang ako mahina, hindi nangyari iyon. Kung hindi lang matigas ang ulo ko, wala sana kami rito ngayon. Walang ibang sisihin dito kung hindi ako. Ako lang.”

Niyakap ito ni Purple. “Ssh. Stop crying. Walang may gusto nito.”

Tinawagan ni Black si Katleya. Binuksan nito ang loudspeaker para marinig ng binata ang sasabihin nito.

“Kat?” bungad ni Black.

“Bakit?”

“Gusto kang kausapin ni Red.”

“Okay. Pakibigay sa kanya.”  

Inabot na ni Black ang cell phone kay Red. Tinanggap na ito ng binata at nilagay sa tenga niya. Pinatay na rin niya ang loudspeaker.

“Kat,” panimula ni Red.

“Masaya ako dahil nagising ka na,” sabi ni Katleya. Pinipigilan niya ang pagbasag ng kanyang boses.

“Thank you... Tungkol pala sa nang—”

“Let’s break up, Red. You can do whatever you want. You can flirt all you want.” Humagulgol ang dalaga at maririnig iyon ni Red. “Akala ko iba ka. Akala ko iba ka sa mga kaibigan mo, sa kapatid mo, pero hindi pala. Nagtiwala ako sa iyo, Red.”

Hindi nakapagsalita ang binata at nagsipatakan lang ang luha sa mga mata niya. Masakit para sa kanya na marinig iyon mula sa mahal niya. Pumikit si Red para pigilan ang luha niya. Gusto niyang magpaliwanag.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now