EPILOGUE 2

10.3K 426 73
                                    

EPILOGUE 2: Black and Grey, Green and Purple.

Dalawang buwan na ang lumipas nang nagpakalayo si Katleya. Wala ng komunikasyon ang pamilya niya sa kanya dahil sa huling mensahe na ipinadala niya kay Black. Sinabi niya na maayos siyang nakarating sa pinuntahan niya at wala na silang dapat ipangamba ang pamilya niya. Nagpaalam din siya na pansamantala muna niyang hindi kokontakin ang mga ito. Malaki ang tiwala ng pamilya niya sa kanya kaya kampante na ang mga ito na masaya siya sa California.

Kasalukuyang nasa Mall si Purple at namimili ng pansariling gamit. Habang naghahanap ito ng store para pagbilhan, napataas ang kilay niya nang makita si Fuchsia na may kasamang lalaki, magkahawak pa ang mga kamay. Ang pagkakaalam niya, kasintahan ito ni Black. Nang pumasok si Fuchsia at ang kasama nitong lalaki sa isang restaurant, sinundan ito ni Purple. At para hindi siya nito makilala, kinuha niya ang sumbrero sa loob ng bag niya at isinuot ito. Pagkatapos, pumasok din siya roon sa restaurant para magmanman. May kakaiba kasi siyang nararamdaman. Sa palagay niya, niloloko nito ang kapatid niya at hindi niya iyon hahayaan.

“Ang perfect ng kapatid ko para lokohin mo, kung totoo man itong kutob ko,” galit na pagbulong ni Purple sa hangin.

Dahil wala pang sapat na ebidensya si Purple na niloloko ni Fuchsia ang kapatid niya, nagawa pa nitong uminahon. Kasi para sa kanya, ang paghahawakan ng kamay ay puwedeng gawin lang ng magkakaibigan. Sa sandaling ito, may isang bagay siyang hinihintay na gawin ng dalawa.

“Bullsh*t!” biglang sigaw ni Purple sabay tayo sa kinauupuan niya. Nakita niya kasing hinalikan ng lalaki si Fuchsia sa labi. Para sa kanya, sapat na iyon na ebidensya para magwala sa loob ng restaurant.

Nanlaki ang mga mata ni Fuchsia nang makita ang nagliliyab sa galit na si Purple.

“Ate?” mahinang sambit ni Fuchsia. Makikita mo sa mga mata niya ang takot.

“Huwag mo akong tawaging, Ate! Magkasing-ganda lang tayo!” sigaw ni Purple. Lumapit siya kay Fuchsia at dinuro ito. “Sino ka ba sa inaakala mo para lokohin mo ang kapatid ko?”

“May ibang lalaki ka, Kaye?” takang tanong ng kasamang lalaki ni Fuchsia. Tumulo ang luha nito dahil hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng girlfriend niya sa kanya.

“W-wala. Ikaw lang ang mahal ko,” nauutal na sabi ni Fuchsia.

“F*ck! Ang guwapo ng kapatid ko para i-deny mo!” sigaw ni Purple sabay hampas sa mesa.

“Ate,” nanginginig na sambit ni Fuchsia.

Kinuwelyuhan ito ni Purple. “Bakit mo niloko ang kapatid ko?!”

Susuntukin na sana ito ni Purple sa kaliwang kamay niya, pero napatigil ito nang sumigaw si Fuchsia.

“Si Zyrille ang boyfriend niya! Magkaibigan lang kami ni Black!” nakapikit niyang sigaw. Nanginginig pa ang katawan niya dahil natatakot siyang masuntok sa mukha.

“A-ano?” gulat na tanong ni Purple. Binitawan niya ang kuwelyo ni Fuchsia. “Paki-ulit nang sinabi mo?”

Ibinuka ni Fuchsia ang mga mata niya at tiningnan sa mga mata si Purple. “Sila ang may relasyon. Nagpatulong lang siya sa akin tungkol sa kapatid ko.”

“Ang ibig mong sabihin, bakla ang isa sa dalawa?” hindi makapaniwalang tanong ni Purple.

“Hindi ko alam. Ang alam ko lang, mahal nila ang isa’t isa.”

“Sorry,” mahinahon na sabi ni Purple. Tiningnan niya ang kasintahan ni Fuchsia. “Sorry rin, brad. Ipagpatuloy niyo na ang date niyo.”

“Ate, galit ka ba? Natatakot lang silang aminin dalawa. Ako lang din ang may alam sa pamilya namin,” paliwanag ni Fuchsia.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now