Kabanata 11

13.3K 541 64
                                    

KABANATA 11

“Ano kaya ang talent ni Ms. Engineering?” tanong ni Green. Nasa kaliwa ito ni Red pumuwesto.

“Singing?” hula ni Red.

“Pula, hindi mo ba nakita kung paano iyon rumampa? Ang lambot ng balakang, 'di ba? Kaya ipupusta ko ang kaluluwa ko, sasayaw iyon,” paninigurado ni Blue. Nasa kanan ito ni Red nakapuwesto.

“Tama na ang hulaan, siya na ang susunod,” si Grey. Mukhang excited din ito. Nasa kanan naman ito ni Blue nakapuwesto.

“The next to perform is Katleya Yellownora Marie C. Quizo from College of Engineering!” anang Emcee.

Napatayo si Blue sa kinauupuan niya nang lumabas ang hinihintay na dalaga. Suot nito ay isang kulay asul na crop top at puti na maong shorts. Naka ponytail ang buhok nito kaya makikita mo ang malalim niyang balagat na nakapapang-akit. Pero ang mas agaw atensyon sa lahat ay ang magandang hubog ng katawan nito.

Nakurot ni Blue ang katabi niya sa kanan, si Grey. “F*cksh*t! Malutong, Abo!”

“Tinigasan ako, Blue!" sagot ni Grey. Makikita sa mata niya ang gigil.

Inilapit ni Blue ang bibig sa tenga ng kausap. “Ako rin, e! Pero 'wag kang maingay baka marinig tayo ni Pula, pagagalitan ako. Alam mo naman, nagpaka-virgin na ako. Amen.”

Napatawa si Grey. “Good son.”

Umayos na ng upo si Blue. “Good son mo mukha mo. Nang-iinit na nga ang tumbong ko.”

Umupo na si Katleya sa isang itim na upuan. Kahit naka-upo na ito, wala itong taba sa tiyan na makikita.

“Sh*t!” panggigigil ni Blue. Napakagat-labi pa ito at pinigilan ang sarili. Sobrang tigas na kasi ng pagkalalaki niya.

“Malalabasan na ako, Blue!” gigil na sabi ni Grey.

Napalingon si Blue rito at binigyan nang kakaibang tingin. “Weaksh*t.”

Nagsimula na ang tugtog kaya naghiyawan na ang mga taga supporta ng dalaga. Swalla ni Jason Derulo ang sinasayaw nito kaya napatayo ang lahat at sinabayan ang galaw nito.

“Sh*t! Ang lambot!” sigaw ni Blue. Bigla ba namang dumapa sa sahig si Katleya at tinaas-baba ang gitnang bahagi ng katawan nito. Nanlaki ang mga mata ni Blue. “Sana all floor,” anito. Palihim niyang ipinasok ang kanang kamay sa loob ng kanyang pantalon para kumambiyo. Tinigasan pa rin kasi ito. “Sana all floor!”

“Bibig mo,” bulong ni Red sa kapatid.

“Sorry,” sagot nito.

Pokus na muna si Blue sa pagtatanghal ni Katleya. Makikita mo sa mukha niya ang pagkamangha sa dalaga. Sobrang galing kasi nitong sumayaw. Mapapaindak ka talaga at masasabayan siya. Nang matapos ng magtanghal ang dalaga, kinalabit ni Blue si Grey. Nang lumingon si Grey kay Blue, kinurap-kurap ni Blue ang mga mata nito. Dahil magkaibigan ang dalawa, alam na nila kung ano ang ibig-sabihin ng signal na iyon.

“CR muna kami,” pagpapaalam ni Blue.

“Ano ang gagawin mo?” mausisang tanong ni Red. Tinitigan pa niya nang napakaseryoso ang kapatid.

“Iihi lang po ng may dignidad.”

“Huwag kang gumawa ng bagay na ikagagalit ko,” paalala ni Red.

Tumango ito. “Okay po.”

Hinila na ni Blue si Grey at umalis na sila papunta sa banyo. Nang dumating ang dalawa, pumasok na sila sa magkatabing pinto.

“Abo, may lubricant ka riyan?” si Blue. Pumatong pa ito sa inidoro para tingnan ang kaibigan. “Hoy! Bigyan mo muna ako, nangangati na ang alaga ko,” apurado nitong sabi.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now