Kabanata 13

12.9K 528 155
                                    

KABANATA 13

YEAR 2018

Bumuhos ang luha ni Blue sa kanyang higaan nang maalala ang masakit na pinagdaanan niya sa kamay ng magulang niya. Pagkatapos ng gabing iyon, bumalik na siya sa pagrerebelde dahil nawalan na siya ng gana. Para sa kanya, sapat na iyong napatunayan niyang hindi talaga siya kayang mahalin at maipagmamalaki ng magulang niya.

Ito ang kauna-unahang gabi ni Blue na hindi sila magkasama ng kambal niya sa pagtulog. Masakit ito para sa kanya pero kinakaya niya.

Sa mga oras na ito, sinusubukan na niyang makatulog kahit mabigat ang kanyang pakiramdam. Pagpikit ng kanyang mga mata, siya namang pagtunog ng cell phone nito. Nang makita niyang si Katleya, napangiti ito. Naalala iyong unang pagkakataon na nagtama ang kanilang mga kamay.

Sinagot na niya ang tawag nito. “Bakit?”

“Kinakamusta lang kita,” si Katleya.

“I'm sad. Send me nudes, dear.”

“Stupid!”

“Half joke.”

“Bibig mo.”

Tumawa si Blue at kinagat-kagat pa ang hinlalaki nito.

“Blue, kakatapos lang namin mag video call ng kambal mo. Naawa nga ako roon kasi sobrang miss ka na raw niya.”

Napangiti si Blue. “Ako rin naman, e. Miss ko na siyang yakapin.”

“Ahhh.”

Bumuntonghininga si Blue. “Pero wala na akong magagawa kasi pinalayas na nila ako.”

“Ahhhhh. Tapos?”

“Tapos ang boring mong kausap, buw*sit! Matulog na nga ako. I love you!” Ibinaba na ni Blue ang tawag. Napatawa siya kasi alam niyang umuusok ang ilong ni Katleya sa galit.

Tumawag muli si Katleya, pero hindi pa niya muna ito sinagot. Mga segundo rin ang dumaan. Gusto niya lang mang-inis dahil wala siyang mapagkalibangan.

Sinagot na niya ito...

“Oh!” singhal pa niya para lalo itong mainis.

“Bakit mo ako binabaan?!”

“Ang boring mo kasing kausap. Nakakaantok!” Humikab pa ito matapos masabi iyon.

“Grabe siya!”

“Totoo naman kasi, nagkukuwento ako ng drama ko sa buhay, ’tapos ikaw sige lang ng ah, ah, ah. Ano ka? Nakatikim ng langit?”

Napatawa na lang si Katleya dahil sa bunganga ng kausap niya.

“Pero ito seryoso. Nandito lang kami, ha? Mahal ka namin,” nakangiting sabi ni Katleya.

“Alam ko kaya salamat. Pero kailan mo sasagutin ang kambal ko?” tanong ni Blue. Inisip naman nito kung gaano kasaya ang kapatid niya kapag may kasintahan na ito. “’Wag mong tagalan, ah? I want to see him happy with the girl he loves.”

“Alam mo, sobrang nanginginig ang tuhod ko sa tuwing kasama ko siya.”

“Ano ka matanda?” Humalakhak ito. “Mag-flanax ka na kaya.”

“Sige, asarin mo pa ako! Kainis ka!”

“Gusto mo talaga?”

“Ewan ko sa iyo, matulog ka na. Good night!”

Napangiti si Blue. “Pero Kat, seryoso, ’wag na kayo mag-aalala sa akin. Magpakalakas na ako. Bukas, humanda si Selena.”

“Baliw! Ano ba 'yan, miss ko na ang boses ng kambal mo,” kinikilig na sabi ni Katleya nang maalala ang gabi ng pageant.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now