Kabanata 12

12.7K 500 61
                                    

KABANATA 12

Habang kumakanta si Blue sa harapan ni Katleya. Hindi mapigilan ng dalaga ang sarili na hindi mapatitig sa malagkit na titig ng binata. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang puso, sobrang bilis ng pintig nito. Kung sa isang instrumento, parang nawala na ito sa tono. Huminga siya nang malalim at inayos ang kanyang tayo, pagkatapos ay pinigilan na niya ang kanyang sarili.

Nang matapos mag-perform si Blue na ang akala ng lahat na si Red, kilig at husay ang tumatak sa mga manunood. Sobrang namangha sila sa binata dahil hindi nila inaasahan na magaling pala itong kumanta.

“Thank you!” sigaw ni Blue.

Pagbaba ni Blue sa entablado, agad siyang sinalubong nang mahigpit na yakap ni Red. Napangiti naman si Blue dahil sa saya na napagtagumpayan niyang kumanta.

“Ang galing mo, Asul!” pagpuri ni Red.

“Si Pula ako, 'di ba” pagpapaalala ni Blue.

Humiwalay na sa pagyakap si Red. “Tama pala, basta! I'm so proud of you.”

“Congrats, Blue! Ang landi mo kanina, ha?” si Grey. Lumapit pa ito sa kaibigan niya para sabihin iyon.

“Sinabi mo pa,” pagsang-ayon ni Green.

“Part of the presentation, okay?” si Blue. Tiningnan niya si Red. “Puwede na pala tayong magpalit.”

“Okay, miss ko na rin kasi ang sarili ko,” sagot nito sabay tanggal sa kurbata niyang kulay asul at ibinalik na kay Blue.

“Sarili mo mukha mo.”

Tinanggal na ng dalawa ang nakalagay sa mga mukha nila kaya malaya na silang muli gumalaw ng walang pagpapanggap.

Minuto ang lumipas, inanunsyo na ang apat na kalahok na nangingibabaw sa patimpalak at kasama na roon si Katleya. Siya rin ang itinanghal na best in talent. Napabilib niya ang mga hurado sa talento niya sa pagsayaw.

Ipinatawag na ang apat na magkaibigan para mag-abot ng bulaklak. Pag-apak nila sa entablado, nakalilindol na sigaw ang dumadagundong sa gymnasium. Halos mabaliw ang lahat dahil kilig.

“Blue,” sambit ng emcee.

Napalingon ito. “Po?”

“Hali ka,” sabi ng emcee. Agad lumapit si Blue rito. Hinawakan naman ito ng emcee sa balikat. “Say hi to your schoolmates.” Binigyan niya ito ng mikropono.

Tinanggap naman iyon ni Blue. “Iyon lang pala.” Humarap siya para makita niya ang mga nanunood. “Hi, everyone! Nag-enjoy ba kayo?”

“Sample! Sample! Sample!” sigaw ng mga tao.

“Sample raw, Blue,” anang emcee.

Napanguso si Blue habang nag-iisip. “W-wait. Ano ba ang gusto niyo?” tanong niya. Napangiti ito bigla nang may naalala. “Alam ko na!” Nilingon niya ang DJ. “Wala ka bang Twerk It Like Miley ni Brandon Beal riyan?”

Tumawa ang lahat dahil alam nilang iyon ang backround music sa kanyang kumalat na s*x scandal. Maliban sa kanyang ina na tumahimik habang umiling-iling. Hindi niya nagustuhan ang sagot ng anak.

Nagsimula na ang tugtog kaya nagsimula na rin si Blue na gumalaw. Sobrang lakas ng hiyawan dahil sa pagsayaw nito. Hindi naman sana ito magaling sumayaw, pero grabe pa rin iyong tama nito sa mga kababaihan. May kakaiba kasi itong karisma.

Huminto na ito. “Tama na, nakakahingal!”

“Thank you, Blue. Grabe iyon, ha? Pinakilig mo ang lahat.” Napahawak sa dibdib ang emcee. “Kahit ako.”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now