Kabanata 16

12.7K 457 79
                                    

KABANATA 16

“Tita, Tito,” sambit ni Red. Sa tono ng pananalita nito ay may labis na pagkagalak. Makikita mo rin sa mga mata niya na masaya siyang ipapaalam sa magulang ng dalaga kung ano ang meron sa kanila ng anak nila.

“Kayo na ni Yellownora?” tanong ni Ezmeralda.

Nanlaki ang mga mata nina Katleya at Red sabay tango. Hindi nila inaasahan na uunahan sila nito. Napatanong din sila sa kanilang sarili kung ganoon ba sila ka halata. Sa pagkakaalam nila, wala silang ginawa para malaman nito. Simpleng magkatabi lang sa upuan.

“Yes!” sigaw ni Ezmeralda. Sobrang saya niya para sa kanyang anak.

“Ezmeralda pigilan mo ang sarili mo,” natatawang sabi ni Fernardo

“Masaya lang ako para sa anak natin. Alam mo naman kung gaano niya ka gusto itong si Red. Punong-puno pa nga ng litrato ang kuwarto niya.”

“Mom,” pagsuway ni Katleya.

Napalingon si Red sa kanyang kasintahan. “Totoo?”

“Oo,” nahihiyang pag-amin ni Katleya.

Niyakap ni Red si Katleya. “I love you.”

“Grabe, Fernando. Parang tayo lang noon,” si Ezmeralda. Hinawakan nito ang kamay ng asawa niya. “Ganyan ka noon ka romantiko, ewan ko lang kung bakit nawala iyon ngayon.”

“Baka gusto mong sundan natin si Katleya?”

Napatawa ang magkasintahan habang tinitingnan ang mag-asawa sa harapan nila.

“Huwag na. Maghihintay na lang tayo sa magiging mga apo natin.” Tiningnan ni Ezmerapda si Red. “After 3 years. Galingan mo sa paggawa.”

Namumula ang mukha ni Red. Nahihiya siya na may halong kilig at kagalakan. Sa isipan niya, kahit anong oras gagawin niya. Pero nangako siya sa dalaga na ihahatid niya muna ito sa altar bago ikama. May prinsipyo ang binata na pinapairal na nakalibing na sa kanyang puso’t isipan.

“Soon, Tita. Gusto ko makabuo rin kami ng kambal,” wika ni Red. Natatawa namang hinawakan ni Katleya sa hita si Red kaya nanlaki ang mga mata ng binata. Nilingon niya ang kasintahan at binulungan, “Huwag. Magwawala na naman.”

“I like your wild side,” bulong din ni Katleya.

Hinalikan ito ni Red sa pisngi. “I love you.”

“Sobrang bagay niyo talaga. Anyway, Red? Saan na iyong kambal mo? Isama niyo naman dito. Kahit ganoon magsalita ang batang iyon, nakaka-miss din pala,” si Ezmeralda.

“Sinabi mo pa,” pagsang-ayon ni Fernando sabay akbay sa asawa niya. “Pero para sa akin, gusto ko iyong ganoon ang ugali, sobrang totoo, walang pagbabalat-kayo.”

Nilingon ni Ezmeralda ang kanyang asawa. “Kasi, ganoon ang ugali mo noong kabataan,” pagpapaalala nito. “Ibabahagi ko lang sa inyo, ’yang si Fernardo, kapag nakakaamoy 'yan nang mabahong hininga, kili-kili, at iba pa. Kakausapin niya talaga kung sino iyon. At alam niyo, roon niya nabihag ang puso ko.”

Tiningnan ni Fernando ang nakangiting anak sa harapan niya. “Mukhang masusundan ka na.” Tumayo ang mag-asawa. “Mauna na kami sa itaas.”

Pag-alis nina Ezmeralda at Fernando, hindi mapigilan nina Red at Katleya na tumawa. Alam kasi nilang dalawa kung ano gagawin ng mag-asawa.

“Ang kulit ng parents mo. Sana ganyan tayo sa hinaharap,” ani Red.

Nilingon ni Katleya si Red at binigyan nang nakasisilaw na titig. “Walang sana, dahil ipinapangako ko magiging ganoon tayo. Mahal kita, Red.”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now