Kabanata 18

11.5K 423 102
                                    

KABANATA 18

“Pula?” sambit ni Blue nang pumasok siya sa kuwarto nila. Kakarating lang nito galing sa paaralan. Nahuli kasi ito dahil may tinapos siyang project na kailangan ng ipasa.

Hinanap ni Blue sa buong kuwarto ang kapatid niya ngunit bigo siyang makita ito. Lumabas na lang siya para roon ipagpatuloy ang paghahanap.

“Pula! Where are you?” anito.

Pumunta si Blue sa isang kuwarto kung saan makikita ang mga nakunang video sa CCTV nila. Tinatamad kasi siyang hanapin ito sa loob ng mansion nila. Pagpasok niya roon, nadatnan niyang abala ang tagabantay nila.

“Boss,” sambit ni Blue.

“Good afternoon, sir. Ano’ng sadya mo?” seryosong tanong ng tagabantay.

“Pakihanap po si Pula. Hindi ko kasi siya makita,” utos ni Blue.

“Okay, sir.”

Lumapit si Blue sa tagabantay para tingnan ang ginagawa nito. Segundo ang lumipas, may namuo ng ngiti sa labi niya nang makita na ang kapatid.

“Gotcha! Papuntang 5th floor. Sige, boss. Salamat.”

Ang CCTV ng Montenegro ay hanggang sa 4th floor lamang. At dahil nakita ni Blue na paakyat doon sa pinakamataas na bahagi ng bahay nila si Red, pupuntahan niya ito.

Sa ikalimang palapag ng mansion ng Montenegro, may pitong kuwarto. Kasama roon ang kuwarto kung saan nakatago lahat ng gamit na may kaugnayan sa yumaong si Pinkerlia Beatrix. Kailanman, hindi pa nakapunta roon si Blue.

Nasa tapat na ng hagdan si Blue sa huling palapag ng kanilang mansion,  bumuntonghininga ito. Napagod na kasi siya sa paglalakad.

“Grabe naman ito. Tss!” pagrereklamo ni Blue. Nagsimula na siyang humakbang sa hagdan. “Pula? Where are you? Pula ano’ng ginagawa mo riyan? Nag-all by myself ka, noh?” Dahil wala pa ring sumagot sa kanya. Sumigaw na ito nang buong lakas, “Pulaaa!”

•••

“Asul?” mahinang sambit Red. Nang makita niya ang ulo ng kanyang kapatid na paakyat sa kung saan siya, bumalik siya sa loob at isinara ang pinto.

Tumakbo si Red sa balcony ng kuwarto kung saan siya nagtago. Pinagpawisan na siya sa sobrang kaba. Natatakot siya na baka makita ng kapatid niya ang laman ng kuwarto kung saan nandoon ang mga alaala ni Pinkerlia.

“Pula nandiyan ka ba?” tanong ni Blue. Kinatok niya ang pinto. “Pula? Alam kong nandiyan ka? Nag-all by myself ka, noh?”

Kinuha ni Red ang phone niya sa bulsa at tinawagan ang ina niya. Agad naman itong sinagot ni Crezelda na nagbigay pag-asa sa anak niya.

“Mom, help. Nandito si Blue sa tapat ng pinto rito sa kuwarto sa 5th floor. Hindi ako makalabas,” mahinang sabi ni Red.

“W-what! Sige, puntahan kita riyan. Basta ’wag mong buksan. Diyan ka lang.”

“Okay po. Pakibilisan, mom.”

Nanatili pa ring kumakatok si Blue sa pinto. Ang ginawa ni Red, nagdarasal na umalis na sana ang kambal niya. Nang tumahimik, nakaginhawa na siya nang maluwag. Pero paglingon niya sa kabilang balcony sa tabi ng kuwarto...

“Wahhh!” sigaw ni Blue. Umakyat ito sa balcony dahil balak nitong tumalon. “Pupunta ako riyan. Bakit hindi ka sumasagot? Pinaos mo pa ako.”

“H-huwag na. M-mahuhulog ka,” nauutal na sagot ni Red.

Sinilip ito ni Blue. “Ano’ng meron diyan? Ano’ng ginagawa mo riyan? May tinatago ka, noh?”

Bumuntonghininga si Red para kumalma ang bilis ng pintig ng puso niya. “Wala. Alis na! Baka mahulog ka.”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now