Kabanata 35

10.5K 425 172
                                    

KABANATA 35

“Ano’ng maliit?” taas-kilay na tanong ni Blue.

“Iyong ano mo,” sagot ni Katleya sabay takbo.

Mukhang magpapahabol pa ang dalaga sa kanya. Sa tili nito na may halong landi, hindi mapagkaila ang gusto nitong mangyari.

“Maliit pala, ah. Lagot ka sa akin!” sigaw ni Blue sabay takbo palabas ng banyo.

Hinabol niya si Katleya na walang pigil sa pagtawa. Nang mahuli niya ito, agad niya itong niyakap patalikod.

“Ano’ng maliit? Hindi pa nga lang tumigas. Grabe ka sa akin. Tss!” sabi ni Blue.

Humarap sa kanya si Katleya at hinawakan ang kanyang buong mukha. Tinitigan pa siya nito nang napakaseryoso. Pagkatapos, ngumuso ito, senyales na humihingi ito ng isang halik. Umiling ang binata at tinanggal ang mga kamay ni Katleya na nasa mukha niya.

“Pie,” sambit ni Katleya.

“Lasing ka na,” sagot ni Blue sabay halik sa noo ng dalaga.

Bumalik na si Blue roon sa sahig kung saan sila umiinom kanina at lumagok muli ng beer. Sumunod si Katleya at tinabihan ito. Kukuha pa sana ito ng beer ngunit pinigilan na ito ni Blue.

“Lasing ka na, Kat. Tama na.”

“Hindi, ha,” sagot ni Katleya sabay upo sa binti ni Blue.

Bumungad sa mga mata ni Blue ang nakasisilaw na dibdib ni Katleya. Hindi naman mapigilan ng binata ang sarili na hindi magnakaw ng tingin sa hiwa ng dibdib nito. Habang tumatagal si Katleya sa binti niya, hindi niya mapigilang magwala ang alaga niya. Gusto na itong manuklaw.

Tiningnan ni Katleya si Blue at nagmamakaawa pa ito na pumayag ang binata na hayaan siyang makainom muli. Sobrang lapit lang ng mga mukha nila. Mga dalawang pulgada lang ang pagitan at magtama na ang mga labi nila sa isa’t isa.

“Please, let me drink again,” hiling ni Katleya.

Tumango ang binata. “Sige na nga. Ang kulit mo. It’s our last night together, so we should make it memorable.”

“In what way?” tanong ni Katleya.

“Like this,” sagot ni Blue sabay higop sa labi ni Katleya.

Nanlaki ang mga mata ni Katleya sa ginawa ni Blue. Pero sa kinalaunan, napangiti ito at ginantihan ang halik ng binata. Sinundan naman niya ang prosesong ginawa nito. Mula sa pagsipsip sa dila at labi. Hindi mapagkaila na nawala na sa tino ang dalawa. Hindi nila alam ang ginagawa nila dulot ng kalasingan.

Itinigil na ni Blue ang paghalik at tinitigan si Katleya na parang may gusto pa siyang mangyari. Nginitian naman siya ng dalaga kaya muli niya itong sinunggaban ng halik. Nagkagatan, nagsipsipan ng dila, at nagpalitan ng laway sa isa’t isa hanggang sa...

“Kat,” sambit ni Blue.

Ipinasok kasi ni Katleya ang kamay niya sa loob ng underwear ni Blue. Sa mga oras na ito, hawak-hawak ng dalaga ang kaninang sinabihan niya na maliit. Ngunit napagtanto niyang hindi pala. May sapat itong laki.

Tumayo si Katleya at biglang tinanggal ang suot nitong bra. Kumislap ang mga mata ni Blue nang makita ang kabuuan nito. Malaki at mukhang malambot. Gusto niya itong hawakan at himasin.

“Sorry, Lord!” sigaw ni Blue.

Mas nanlaki ang mga mata ng binata ng sinunod na tinanggal ni Katleya ang salawal nito. Inihagis pa ito ng dalaga sa kanya.

Inamoy ito ni Blue. “Jesus!”

Tumayo si Blue at tinanggal din ang suot niyang pang-ibaba. Napangiti naman siya nang mapagtanto na parehas na silang dalawa na walang saplot. Nang makita nilang dalawa ang kanilang katawan na hubo’t hubad, hindi nila mapigilang mapangiti.

FATED TO F*CK YOU✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora