Kabanata 33

8.9K 415 134
                                    

KABANATA 33

“Kadiri sa pakiramdam,” bungad ni Katleya nang lumabas ito mula sa banyo.

Makikita sa mukha niya na hindi ito kumportable sa suot niyang salawal. Napangiti naman si Blue nang makita ang itsura ng kaibigan. Nakasimangot kasi ito at parang pinagkaitan ng mundong lumigaya.

Umupo sa tabi ni Blue si Katleya. Humarap ito sa binata at parang may gustong sasabihin. Napansin naman iyon ni Blue.

“Ano?” tanong ng binata.

“Paano na ang pamilya mo?” pag-aalala ni Katleya.

Hindi sumagot si Blue at humiga lang sa kama. Napabuntonghininga ito habang ginawang unan ang dalawang kamay niya. Ipinatong naman niya ang paa sa binti ng dalaga.

Hinawakan ni Katleya ang paa nito. “Hoy! Ang pamilya mo? Paano na sila? Hahayaan mo bang mawalan na naman sila ng anak?”

“Para naman ito sa kanila, e.”

“'Wag ka nga maniwala kay Tita Belinda. Everything happens for a reason.”

“And I am the reason of what happened. Tama si Tita. May sumpang dala ako sa pamilya namin. About what happened to Pinkerlia at kay...”

Hindi na niya ipinagpatuloy ang pagsasalita dahil parang babagsak na ang luha niya. Tumagilid na lang ito at ipinikit ang mga mata.

“Kaya mo bang mag-isa?” pag-aalala ni Katleya.

Umiling ang binata. “Hindi ko alam.”

“Sasamahan kita,” ani Katleya.

Napabangon si Blue. “Ano ba. Baka magalit sa akin ang pamilya mo,” pag-aalala niya, “Sawa na akong pagbuntungan ng sisi.”

“This is my decision. Nasa tamang edad na ako. They will understand me,” giit ni Katleya.

“Pero lalaki ako. Hindi ka ba matatakot?”

“May dapat ba akong ipangamba sa iyo?”

“'Wag na, Kat. Kakayanin kong maging independent.”

“In what way? Red told me you don’t even know how to cook, wash your clothes, to cut the story short... You know nothing. How can you be an independent with that? Bibili araw-araw ng pagkain para may makain? Magpapa-laundry? Independent ka na ba niyan? Blue, I’m willing to help you. Sabay natin labanan ang lungkot. I’m here for you. You are my boyfriend’s greatest treasure and I will take care of you.”

“Paano sila Tita?” tanong ni Blue.

“Ako na ang bahala kina Mom. Ang isipin mo ang magulang mo, I'm sure hahanapin ka na nila ngayon.”

“Ako na rin ang bahala. Buo na ang desisyon kong magpakalayo sa kanila.”

“Magpapadaig ka ba talaga sa Tita Belinda mo?”

“Hayaan mo na siya. Maybe may tama nga siya. Basta, ’wag mong ipagsabi sa kahit kanino ang ginawa ni Tita, ah? Ayaw kong masira ang relasyon nila Mom nang dahil na naman sa akin.”

Habang tinitingan ni Katleya si Blue, napangiti ito nang maalala ang sinabi nito kanina sa kanya sa cemetery. Iyong ginawa ni Belinda sa kanya sa banyo.

“Mabuti hindi ka na flush. Mukha ka pa namang tae,” pag-iba ng usapan ni Katleya.

Sumimangot ang binata. “Ah, ganoon. Anyway, lumipad na ba?”

Napa-isip si Katleya. “Ang ano?”

“Iyong pempem mong may pakpak,” natatawang sagot ni Blue.

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon