Kabanata 5

18.1K 632 155
                                    

KABANATA 5

Pagdating nina Blue at Red sa kanilang kuwarto, agad itong naghubad ng damit para magbihis ng pangbahay. Kumuha si Red ng damit sa drawer niya at hinagis ito kay Blue. Napangiti naman si Blue nang masalo ito. Alam niya ang binabalak ng kapatid niya.

“Akin na ang damit mo,” maawtoridad na utos ni Red.

“Seryoso kang lolokohin natin si Lala?” natatawang tanong ni Blue.

“Ayaw mo? Akin na.”

“Ito naman ang dali lang magtampo.” Inigahis na ni Blue sa kapatid niya ang kulay asul na damit na hawak niya. “Paano ang nunal ko?”

“May blade ako riyan. Tatanggalin natin,” seryosong sabi ni Red.

“'Wag! Paano kung mamatay ako, ah? Gusto mo talaga ako mamatay, noh? Para sa iyo mapunta ang mana. Ang sama nito,” reklamo ni Blue.

Napangiti si Red at nilapitan ang kapatid niya. Pagkatapos, niyakap niya ito nang patalikod. “Hindi ka talaga mabiro.”

“Ikaw kasi. Minsan na nga lang magsalita, sobrang seryoso pa.”

“Grabe siya. Hindi kasi ako katulad mo. Hindi naman sana matalino, pero hindi nauubusan ng kuwento. Joke.”

Tinanggal ni Blue ang kamay ni Red mula sa pagyakap sa kanya at hinarap ito. “Mukhang masakit iyon, ah? Hindi matalino mo mukha mo! Tss!”

Tumawa si Red. “Tara na. Doon na tayo sa kuwarto ni Mommy. Maghanap tayo ng puwedeng pantakip diyan sa nunal mo”

Nagbihis na ang dalawa at dumiretso sa kuwarto ng ina nila. Ginalaw nila ang make-up kit nito at naghanap ng puwedeng pantakip sa nunal ni Blue. Nang makakita si Red, nilagyan na nito ang kambal niya. Napangiti naman siya nang matapos itong gawin. Nakikita niya kasi ang sariling mukha sa kambal niya.

“Parang ikaw na ako,” nakangiting sabi ni Red.

Tiningnan ni Blue ang mukha niya sa salamin. Napangiti ito at manghang-mangha sa nakita. “Wow! Mukha na akong virgin na malibog.” Binatukan ito ni Red,  “Aray ko! Totoo naman, e! Malibog ka naman talaga. Akala mo, 'di ko alam na gabi-gabi ka nagsasarili habang nanunood ng mga litrato ni Ivana, ah?”

Tumawa na lang si Red dahil totoo iyong sinasabi ng kambal niya. Gabi-gabi kasi siya nahuhuli ng kambal niya na nagsasarili. Nasa isang kama lang kasi ang dalawa kaya kapag nagsasarili si Red, gumagalaw ang kama dahilan para magising ito.

Kumuha si Red ng pentel pen at naglagay ng kunwaring nunal sa kaliwang mata niya kung saan banda nakalagay ang nunal ni Blue.

Nang makita ito ni Blue. “Wow! Para kanang hardf*cker, Pula.”

“Hardf*cker mo mukha mo!” singhal ni Red. Ginaya niya ang laging ginagawa ni Blue. Kahit ang boses nito, nakuha niyang gayahin.

“Para ka na talagang ako. Pero...” Nag-iisip pa ito. “Hindi ka nga lang puwede maging ako kung hindi mo sasayawin ang Twerk it Like Miley na ginawa ko sa scandal.”

“Kadiri ka! Hindi ko iyon kaya, magkamatayan man,” sagot ni Red sabay hakbang palabas ng kuwarto.

“Hintay! Grabe ka!” sigaw ni Blue.

Nasa mesa na ang dalawa at kunwaring nagpalit sila ng katauhan. Gusto lang nilang linlangin ang lola nila.

Habang kumakain silang tatlo. Napatingin si Rosa sa kunwaring si Red. Ngumiti nang matipid si Blue na katulad nang pagngiti ng kambal niya.

“Ikaw?” sambit ni Rosa.

“Po?” seryosong sagot ni Blue. Siya raw kasi si Red.

“Nasaan ang nunal mo?” si Rosa. Tiningnan naman nito si Red. “At ikaw! Bakit ka naglagay ng nunal diyan sa gilid ng mata mo? At bakit niyo suot ang damit ng isa't isa?”

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon