Kabanata 27

9K 384 86
                                    

KABANATA 27

SEPTEMBER 27, 2018

Pagkagising ni Blue, mahigpit na nakayakap sa kanya si Red habang mahimbing pa rin itong natutulog. Napangiti naman siya nang maalala na kaarawan na pala nilang dalawa. Niyakap niya rin nang mahigpit ang kambal niya at binigyan ng halik sa noo. Pagkatapos, dahan-dahan na siyang gumalaw para bumangon. Nang tagumpay niya iyong magawa, kinuha niya ang kanyang gitara na nakasabit sa dingding. May balak siyang haranahin ang mahal na kapatid. Bigla niya kasing naalala ang sinabi nito noon na balang araw, tutugtugan siya nito nang walang pagrereklamo. Para kay Blue, ito na ang araw na iyon lalo pa at espesyal ito sa kanila.

Isinabit na niya ang sling ng gitara sa kanyang leeg at nagsimula na siyang magpatugtog sabay kanta.

“Happy birtday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday, Pula.”

Unti-unting iminulat ni Red ang kanyang mga mata dahil nagising ito sa ingay na ginawa ng kambal niya. Pagbuka niya ng kanyang mga mata, malapad na ngiti ng kapatid ang bumungad sa kanya. Nagbigay ito ng sapat na enerhiya sa katawan niya.

Bumangon na siya at isinandal ang likod sa unan. Masaya naman itong nakatingin sa kapatid niya.

Nagtanggal muna ng muta si Red para mas malinaw sa kanya ang ganda ng ngiti ng kapatid niya. Pagkatapos, ibinuka nito ang dalawang kamay, senyales na gusto nitong magpayakap.

“Password ko?” nakangiting sabi niya.

Lumapit si Blue sa kanya at binigyan siya nito ng halik sa pisngi. Niyakap niya rin ito nang napakahigpit.

“Happy 20th birthday, Pula. I love you,” masayang bati ni Blue.

Bumuwag na si Red sa yakapan para magantihan ng halik sa pisngi ang mahal na kapatid.

“Happy birthday, Asul. Palagi mong pakatandaan na mas mahal kita,” ani Red.

Umatras muna si Blue dahil may gagawin siya. Gusto na niyang simulan ang paghaharana.

“Ngayong araw, sobrang special ito para sa ating dalawa kaya aalalayan kita ng kanta,” panimula ni Blue. Ngumiti ito at itinaas ang kanang kamay. “Promise, hindi na ako magrereklamo na masakit ang kamay ko. Dahil ang kakantahan ko ay ang taong pinakamamahal ko, ikaw.”

Napangiti si Red habang nagsimula nang nangingilid ang luha niya. Masaya siyang makita ang kapatid na gumagawa nang bagay na magpapasaya sa kanya.

Nagsimula ng tumugtog si Blue. Ang kakantahin niya para sa kanyang kapatid ay ang One Friend ni Dan Seals. Dahil para sa kanya ito ang pinakamagandang kanta na bagay sa kanilang dalawa, bilang magkapatid at magkaibigan.

“I always thought you were the best, I guess I always will, I always thought that we were blessed, and I feel that way still.” Tumigil muna si Blue sa pagkanta at tiningan ang kambal niya. “Pula, I want you to know that you are the best person I’ve ever known in my entire life.” Naiiyak na ito kaya pinigilan niya ang sarili. Nahihiya lang siya sa kapatid. Bumuntonghininga ito para kumalma. “At ikaw ang pinakamagandang biyaya na ipinagkaloob sa akin ni Papa God. You are better than everything. I love you.”

Habang nagsasalita si Blue, nagsimula nang nagsipatakan ang mga luha ni Red. Sobrang mahal niya lang ang kapatid niya. Kaya ang bawat ginagawa nito para sa kanya ay grabe ang tama sa kanya. Masaya lang siya na meron siyang kapatid na katulad ng lalaking nasa harapan niya.

Ipinagpatuloy na ni Blue ang pagkanta. Lalo lang napa-iyak si Red dahil damang-dama niya ang pagkanta ng kambal niya. Sa bawat salita ng kanta na binibitawan nito, tagos na tagos sa puso niya.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now