Kabanata 37

9.1K 430 127
                                    

KABANATA 37

“Bebe girl,” sambit ni Black nang mapansin niyang ayaw humakbang ni Grey nang inakbayan niya ito. “Tara na.”

“Mauna ka na. Magbabawas muna ako,” seryosong sabi ni Grey.

“Sige. Mukhang dito, hindi na kita masasamahan,” natatawang sabi ni Black.

Paglabas ng binata, agad umupo sa inidoro si Grey. Napahawak siya sa kanyang dibdib at napa-isip kung bakit siya nasaktan sa binitawang salita ni Black.

“Huwag kang bumaliko. Sayang. I’m just playing with you. Lalaki ako at babae ang gusto.”

Paulit-ulit niya itong narinig sa tenga niya. Kahit takpan pa niya ito ng kamay. Pilit na pumapasok. Napatulo naman ang luha niya nang maalala na inisip niya kanina na naghalikan silang dalawa ni Black. Isa lang pala iyong malaking guniguni na nabuo sa kanyang isipan dahil—ayaw man niyang aminin—nasaktan siya sa sinabi nito.

Tumayo na si Grey at naghilamos ng mukha. Hindi niya namalayan na ang tubig na nagmula sa kanyang mukha ay dumaloy patungo sa kanyang katawan. Sobrang basa na siya. Para bang nawala ang kanyang pandama dahil sa bigat ng kanyang dinadala.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. “Lalaki ka. Babae ang gusto mo. Babae.”

Huminga muna siya nang malalim bago ito pinakawalan. Sinabi niya rin sa kanyang isipan na dapat walang ni isa ang makapansin sa lungkot na meron sa puso niya.

Paglabas niya ng banyo, agad itong dumiretso sa kusina. Umupo ito sa tabi ni Green at tiningnan ang ginagawa nila. Masaya silang tinulungan si Katleya sa pagluluto.

“Kat? Mukhang gumaling ka na talaga sa kusina, ha? Instant mommy dahil sa baby f*ckboy na inaalagaan mo,” anang Green.

”Grabe ka. 'Wag mo namang ipagkalat. Nandito pa naman sina Ate at Kuya,” reklamo ni Blue.

Tiningnan ito nang masama ni Purple. “Alam na namin na malandi ka, Blue. S*x scandal mo pa lang, isang napakalaking ebidensya na. One time sabay namin iyong pinanood ni Kat.”

“Ate!” singhal ni Katleya.

“Asus... Nahihiya ka pa. Ikaw nga ang nagsabi sa akin noon.” Humalakhak si Purple sabay tingin muli kay Blue. “Ano bang pumasok sa isipan mo noong panahong iyon?”

“Abnormal pa kasi ako noon, Ate. Pero ngayon, hindi ko na iyon gagawin. Iyong may video lang, ah?” Humalakhak pa ito. Tiningnan niya si Katleya. “Kat?”

“Bakit?”

“Malungkot ka,” sabi ni Blue. Tiningnan niya rin si Grey na nasa harapan niya. “Ikaw rin.”

“Hindi,” sabay na sagot ng dalawa.

“Okay. Kakausapin ko na lang kayo in private. But tonight, we will have our party!” sigaw ni Blue sa sobrang saya.

Nagtama ang mga mata nina Purple at Green.

“Ew,” sambit ng dalaga.

Pinakitaan ito ng kamao ni Green. “Isa pa. Knockdown ka na sa akin.”

Tumayo si Purple at inilapit ang mukha kay Green. “Is that a childish threat?” Nginitian niya ito. “You prove yourself again that you are still a baby.”

Napakamot sa ulo si Katleya. Alam niya kasi na may gagawin ang ate niyang hindi kanais-nais. Ganoon kasi iyon sa bahay nila. Bugbog sarado nga lagi sa magaan nitong kamay ang Kuya Black niya.

“Hahalikan kita,” pagbabanta ni Green sabay kagat sa kanyang labi.

Napatawa si Purple. “Pero susuntukin na muna kita!” sigaw nito sabay suntok sa mukha ng binata.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now