Kabanata 17

11.7K 442 68
                                    

KABANATA 17

“Hindi pa pala ito nakauwi?” tanong ng binata sa kanyang sarili nang makitang nakatulog sa gilid ng sasakyan ang walang malay na si Grey. Siya iyong binata na tutulungan sana rito, ngunit nainis lang ito dahil sinagot siya nito nang pabalang.

Madaling araw na. Tahimik na ang paligid. Kunti na lang ang mga pampasaherong sasakyan na makikita sa kalsada. Uuwi na sana ang binata, pero hindi niya kayang makita na nakahandusay si Grey sa gilid ng sasakyan. Lumapit siya rito at inalalayan na tumayo. Inilagay niya ang kanang kamay ni Grey sa balikat niya para alalayan ito sa paglalakad.

“Sino ka? Kikidnapin mo ba ako? Ransom? No problem. We’re rich,” ani Grey. Lasing na lasing pa ito at hindi na madilat ang mga mata.

Isinakay ng lalaki si Grey sa kanyang sasakyan. Para ihatid ito kung saan man nakatira.

“Sumakay ako sa kotse, ikaw ang katabi,” pagkanta ni Grey ng Jeepney ni Yeng Constantino na nagpatayo sa balahibo ng binata. Binago niya lang ang lyrics.

Kinuha ng binata ang pitaka ni Grey at tiningnan ang ID nito. Nang makita niya ang buong pangalan nito, hinanap niya ito sa Facebook.

“So you’re Zyrielle Grey T. De Elleonor. A son of a business tycoon. Your mother is a famous celebrity at nag-aaral ka sa Montenegro University,” sambit ng binata.

“Accurate,” tamad na sagot ni Grey.

“Ihahatid na kita sa inyo.”

“’Wag,” pagpigil ni Grey. “Tatanggalan ako ng allowance. Iuwi mo na lang muna ako sa inyo,” pikit-mata nitong sabi. Napahawak pa ito sa kanyang ulo dahil sa sakit.

“What? Are you crazy?” tanong ng binata. Kailanman, hindi sumagi sa isipan niya na mag-uwi ng isang lalaki. Hindi pa nga siya nag-uwi ng babae sa bahay nila. ’Tapos ngayon, humiling si Grey na i-uwi siya sa kanila. Hindi puwede iyon para sa kanya.

Napangiti si Grey. “Naiilang ka ba?”

Napabuntonghininga ang lalaki. “Bakit naman ako maii—” Napahinto ito nang makitang wala na sa wisyo si Grey. “Fine.”

“Thanks, man,” si Grey.

Pagdating ng lalaki sa kanilang bahay, dumiretso na agad ito sa kuwarto niya. Pinahiga niya na sa kama si Grey. Magtatanggal na sana si Grey ng botones sa polo niya, ngunit hindi niya magawa. Wala na siyang lakas dahil sa kalasingan.

“Man, hubaran mo ako,” hiling ni Grey.

“What!?” sigaw ng lalaki.

Napangiti muli si Grey. “Naiilang ka. Don't you?”

“Bakit naman ako maiilang? Hindi lang ako sanay. Babae kasi ang nakasanayan kong hubaran. Then, here you are asking me that stupid thing.”

“Please, man. Anyway, what's your name?”

“Why should I tell you?”

Sinubukan imulat ni Grey ang mga mata niya para makita ang mukha ng kausap. Napangiti ito nang masilayang ang itsura nito. “I'm just thankful to you.”

“Black, I'm Black.” Umupo si Black sa tabi ng Grey at tinanggal ang botones ng polo nito. “Done.”

Si Blackarlito Munteriru Fufu C. Quizo ay ang gitna at nag-iisang lalaki sa tatlong magkapatid. Ito ay isang sikat na modelo. May taglay itong itsura na mapapaluhod ka. Maganda ang mga mata nito at may matangos na ilong. May maganda rin itong ngiti na kayang mapapayag sa gusto niya. Matangkad ito at may tamang laki ng pangangatawan.

“My pants. Please, man,” utos ni Grey.

“Okay.” Tinanggal ni Black ang botones ng pantalon ni Grey at dahan-dahan na binaba ang zipper. Hinila na niya ang pantalon nito hanggang sa matanggal. “Done.”

“Thanks.”

“Matulog ka na,” si Black 

Tumayo na si Black at naghubad ng suot. Naka-boxers na lang ito. Hindi kasi ito makakatulog kapag may suot na pang-itaas. Pagkatapos, tumabi na siya kay Grey at sinubukan ng matulog.

•••

“Wahhh!” sigaw ni Katleya nang makita ang kapatid niya na may kasamang lalaki sa kama. Parehas pa itong nakahubad pang-itaas.

Napabangon ang dalawang natutulog dahil sa lakas ng sigaw ni Katleya. Nang makita ni Katleya ang binatang katabi ng kapatid niya, nanlaki ang mga mata nito.

“G-Grey?” sambit nito.

“Who are you?” nakapikit na tanong ni Grey. Hindi niya kasi mamulat ang kanyang mga mata dahil tinalo siya ng antok.

“Si Katleya.”

“Ahh. Katle—” Hindi natapos ni Grey ang sasabin nang marinig ang pangalan ng kaibigan. Iminulat niya ang mga mata niya at tiningnan ang dalaga. “K-Katleya? Saan ako?” takang tanong nito. Napalingon siya sa katabi niya. “Hey! Magkakilala kayo ni Kat?”

“Kapatid,” sagot ni Black sabay bangon sa kama.

“What a small word. Hi, Kat! Absent na muna ako ngayon. Masakit pa ang ulo ko. Naparami kasi ng inom.”

Tiningnan nang masama ni Black ang kapatid niya. “Why are you here? Hindi ba sinabi ko sa iyo na bawal ka rito, Yellownora?”

“Sorry. Saan iyong ear phone ko?”

Tumayo si Black at pumunta sa drawer niya. Kunuha niya ang ear phone at inihagis ito kay Katleya. “Alis.” Tiningnan niya rin si Grey. “Ikaw rin. Alis.”

“Ako?” gulat na tanong nito.

“Ano pa ba ang gagawin mo rito? Umaga na. Kaya mo ng umuwi.”

Tiningnan ni Grey si Katelya. “Ang sama pala ng timpla ng kapatid mo, Kat.” Tumayo na ito. Nakalimutan niya yata na naka boxers lang siya.

Nang makita ito ni Katleya, napatalikod ito. “Ano’ng ginawa niyong dalawa? So gross.”

“Hoy! Mali ’yang iniisip mo!” sigaw ni Black.

“Whatever!” sagot ni Katleya.

Umalis na ang dalaga at iniwan na ang dalawa. Hindi siya makapaniwala na may posibleng nangyari sa kapatid at kaibigan niya. Napa-isip naman siya kung sino iyong binabae sa dalawa gayong pareho naman itong tunay na lalaki kung kumilos.

To be continued....

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now