Kabanata 39

9.6K 431 248
                                    

KABANATA 39

“Okay. I understand,” mahinang sagot ni Katleya sabay punas sa kanyang mga luha. Humarap siya kay Blue at nagawa pa niya itong nginitian. “Kain na tayo.”

“Okay ka lang ba? Sorry.”

Ngumiti muli si Katleya. “You don’t need to say sorry. Wala kang kasalanan. Nagpakatotoo ka lang.” Hinila na niya ito papunta sa table. “’Wag mo na akong isipin.”

Pag-upo nina Katleya at Blue, natulala ang lahat nang makita ang mga mata ng dalaga. Namumula kasi ito at hindi maitatanggi na galing ito sa pag-iyak.

“Kain na tayo,” nakangiting sabi ni Katleya sabay kuha ng hotdog at itlog. Tiningnan niya ang mga kasamahan niya. “Humigop kayo ng sabaw, ha? Pinaghirapan namin ’yan ni Ate.”

Habang kumakain si Katleya, hindi niya mapigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Kahit ano ang pilit niya sa sarili niya na magpakatatag, hindi niya kaya. Dahil ang totoo, napakabigat ng nararamdaman niya.

“Kat? Ano’ng nangyari sa iyo?” pag-aalalang tanong ni Purple.

“Nasarapan lang ako sa pagkain. Nakakaiyak. Hindi ba kayo maiiyak sa sarap?” tanong niya sabay punas ng luha sa mga mata niya. Wala pa rin kasi itong tigil sa pagpatak.

“Kat. Sorry,” paghingi ni Blue ng paumanhin. Alam niya kasi na siya ang dahilan ng mga luha ng kaibigan.

“’Wag ka nga mag sorry. Hindi mo naman kasalan kung hindi mo ako mahal.”

“Kat. Sorry talaga.”

Tiningnan ito muli ni Katleya. “Wala ka ngang kasalanan. Nasasaktan lang ako. Mawawala rin ito. Maaaring tama ka nga na nakikita ko si Red sa iyo, pero sa tingin mo? Iiyak ba ako nang ganito kung wala kang lugar dito sa puso ko?”

Umusog si Blue para yakapin sana si Katleya ngunit pinigilan ito ni Black. Napatingin naman si Blue rito.

“Iyong galawan mong ganyan ang dahilan. Ihinto mo na 'yan kung hindi mo naman kayang panagutan,” sabi ni Black. Tumayo ito at tiningnan si Katleya sa harapan niya. “Tara na, umuwi na tayo.”

“Kuya,” mahinang sambit ni Katleya.

“Yellownora!” sigaw ni Black sabay hampas sa mesa. Tinuro niya ito. “Binalaan na kita noon pa. Wala akong pagkukulang sa pagpapaalala sa iyo.”

“Black, huwag mo naman sigawan! nasasaktan na nga ang tao,” pagpapaalala ni Purple.

“Ang tigas kasi ng ulo. Tapos ngayon, iiyak.” Tiningnan niya muli si Katleya. “Iligpit mo na ang gamit mo, ngayon na.”

“Sorry po,” sambit ni Blue.

Minuto ang lumipas, naligpit na lahat ni Katleya ang mga gamit niya. Pagtayo niya mula sa sahig, agad siyang niyakap ni Blue. Bubuwagin na sana ito ni Black ngunit pinigilan ito ni Purple.

“Mauna na ako, Pie,” pagpapaalam ni Katleya.

“Promise me, walang magbabago? Katleya? Please.”

Tumango ang dalaga. “Goodbye.”

Binitbit na ni Black ang gamit ni Katleya at sabay na silang tatlo magkapatid na lumabas.

“W-wait. May nakalimutan ako,” giit ni Black. Nagmamadali itong bumalik sa loob ng unit ni Blue. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Grey. “Bebe girl, mauna na ako. Paalam.”

“Kuya, mag-ingat po kayo,” sambit ni Blue.

Lumapit dito si Black. “Sorry kanina.”

“Naintindihan po kita, Kuya.”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now