Kabanata 34

9.3K 437 187
                                    

KABANATA 34


PRESENT TIME|YEAR 2020

Paglabas ng abogado mula sa loob ng kuwarto sa hospital kung saan naka confine si Rosa, agad itong sinundan ni Belinda. Dahil mabilis maglakad ang abogado, napatakbo na ito.

“Attorney!” pagtawag ni Belinda. Makikita sa mukha niya na may gusto itong malaman.

Napahinto at napalingon ang abogado kay Belinda. Napangiti naman ito nang makita niya ang mukha nito. Halata kasing pagod ito dahil sa kahahabol sa kanya. At isa pa, alam niya kung ano ang pakay nito sa kanya dahil iyon ang paulit-ulit na ginagawa nito.

“May nagbago,” bungad ng abogado. Inunahan na niya si Belinda sa gusto nitong malaman.

Lumawak ang labi ni Belinda. Mukhang mangyayari na ang matagal niyang gustong marinig. Taon niya rin itong hinintay.

“Lumaki na ba ang sa akin?” nakangiting tanong ni Belinda.

Umiling ang abogado. “Iyon pa rin.”

“What!?” gulat na sigaw ni Belinda.

“Mauna na ako,” pagpapaalam ng abogado.

Umalis na ang abogado kaya napasigaw na sa sobrang inis si Belinda. Hindi niya inaasahan ang pagbabagong ginawa ng kanyang ina. Dalawang taon na ang lumipas nang nakita ni Belinda ang last will and testament sa kuwarto ng ina niya, buhay pa ang pamangkin niyang si Red niyon. At doon niya nalaman na paghahatian nilang limang magkakapatid ang apatnapung porsiyento. At ang animnapung porsiyento na natira, nakalaan sa paboritong apo ni Rosa, ang kambal. Dahil hindi namatay si Red, napunta lahat kay Blue ang animnapong porsiyento. Dahil doon, lalong lumaki ang galit ni Belinda sa pamangkin.

Sinipa ni Belinda ang dingding sa gilid ng hospital. Dahil sa tigas nito, natumba siya sa sobrang sakit ng kanyang paa.

“Buwesit!” sigaw niya.

Nang makita niya kung sino ang paparating, nanlisik ang mga mata niya sa galit. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili.

Nang makita ni Blue ang Tita niya, inihanda niya ang kanyang sarili dahil alam niyang susugurin siya nito. Pagkatapos ng halos dalawang taon, muling nagtagpo ang landas nila ni Belinda. Kasama naman ni Blue si Katleya na nakakapit sa braso niya.

Sinalubong ito ni Belinda. “Bakit ka naparito?”

“Bibisitahin ko lang  po si Lala. She needs me,” giit ni Blue.

Napatawa si Belinda. Ang boses nito ay parang isang mangkukulam na masakit sa tenga.

“Ibinandona mo na siya, 'di ba?” taas-kilay na tanong ni Belinda.

“Nagpakalayo, oo. Pero kailanman, hindi ko ibinandona si Lala gaya nang sinabi niyo po,” sagot ni Blue.

“Tama po si Blue,” pagsali ni Katleya sa usapan.

“Shut up!” sigaw ni Belinda. Tinitigan niya ito nang masama. “Kinakausap ba kita? Matapos mong landiin ang pamangkin kong si Red. Ngayon, sa kapatid niya na naman? Iba ka rin talaga.”

“'Wag mo pong pagsalitaan nang ganyan si Katleya! Hindi mo siya kilala!” sigaw ni Blue.

“Sumasagot ka na?” inis na sabi ni Belinda.

Agad hinablot ni Belinda ang buhok ng pamangkin. Dahil hindi na nakapagtimpi si Katleya. Inihanda ng dalaga ang kanyang sarili para mag-side kick. Huminga muna ito nang malalim bago pumunta sa likuran ni Belinda. Pagkatapos, sinipa niya ito nang buong lakas dahilan para tumilapon ito at mauntog sa dingding.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now