Kabanata 38

9.2K 421 145
                                    

KABANATA 38

Nasa elevator na sina Blue at Grey at pabalik na sila sa condo unit. Bitbit nila ang yelo na binili sa convenience. Bumili na lang din sila ng pagkain para sa mga kaibigan nila.

“Ano na ang plano mo?” tanong ni Blue sa kaibigan na kanina lang ay naglabas ng hinanakit.

“Move on. Anyway, just keep it a secret. Alam kong maaasahan kita rito,” ani Grey. Sinubukan na nitong ngumiti.

“But what if he teases you again and again?”

“Sasabayan ko na lang siya. Ayaw ko nang magpatalo sa kanya. Sapat na ang isang beses. Napakasakit pala,” pag-amin ni Grey sabay bumuntonghininga.

“Talaga? Hindi ko pa alam ’yan. Hindi pa nabiktima ng pag-ibig, e,” natatawang sabi ni Blue.

“Sobra. 'Wag mo na lang pangarapin.”

Bumukas na ang elevator. Bumungad naman sa harap ng magkaibigan si Black. Napatingin si Blue kay Grey para malaman kung ano ang reaksyon nito. Pero nang nakita niyang ngitian nito ang binata, nawala ang kaba niya.

“Saan ka?” tanong ni Grey.

Napangiti si Black. “Susunduin ko sana kayo. Ang tagal niyo kasi.”

Paglabas ng dalawa sa elevator, agad inakbayan ni Black ang kaibigang si Grey. Palihim namang nakangiti si Blue. Sa palagay niya, mahihirapan mag-move on ang kaibigan niya.

Pagdating nila sa unit, agad nila inilapag ang mga pagkain sa sahig. Pinagsaluhan naman nila ito maliban kay Green na mahimbing ng nakatulog. Hindi na nito nakayanan ang espirito ng alak kahit sanay na naman sana itong uminom.

Pagkatapos kumain ni Katleya, humiga na siya sa kama. Dinapuan na kasi siya ng antok.

“Ate, sumunod ka na lang dito pagkatapos mo riyan,” sabi ni Katleya.

“Okay,” sagot ni Purple. Tiningnan niya ang mga lalaki. “Hey! Kayong mga lalaki sa sahig kayo matutulog.” Tinuro niya si Blue. “Kahit ikaw na may-ari rito. You need to adjust.”

Natawa ang binata. “Walang problema po, Ate. Dalawa naman ang sofa bed dito.”

“See? You have two sofa beds here tapos napagdesisyunan niyong magtabi ni Katleya? C’mon! It has love,” giit ni Purple.

“Meron nga. As little sister and big brother.”

“Parang baliktad naman. Katleya should be the big sister and you spoiled brat must be the little brother. Isip-bata ka pa kasi,” sabi ni Purple.

“Grabe ka talaga sa akin, Ate.”

“Biro lang. Sige na, matulog na ako. Kayo na bahala rito. Good night, boys.”

Tumayo na si Purpel at pumunta sa higaan kung saan nakatulog si Katleya. Minuto ang lumipas, nang makatulog na ang dalawang babae, nagpatuloy pa rin sa pag-iinuman ang tatlong matitibay. Nang makatulog na rin si Blue, sina Grey at Black na lang ang buhay pa ang sigla. Nang magtama ang mga mata ng dalawang gising, yumuko si Grey. Hindi siya kumportable. Umusog naman si Black para mas mapalapit siya rito.

“Bebe girl?” sambit nito.

“You can call that to my Ate Fuchsia instead,” ani Grey. May laman ang pagkasabi nito.

Napangiti si Black. “Come closer to me, I will tell you a secret.”

Umusog si Grey. Hindi nito mapagkaila sa sarili na may pagkamarupok ito. Nang sobrang dikit na nilang dalawa, inilapit ni Black ang bibig niya sa tenga ng binata.

FATED TO F*CK YOU✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora