Kabanata 30

9.9K 382 78
                                    

KABANATA 30

Gabi na nang magising si Blue sa hospital. Bumungad sa kanyang mga mata ang mga kaibigan. Wala ang mga magulang niya dahil inasikaso ang punerarya para sa burol ng kapatid niya. Nakatulala lang ito at parang hindi niya nakita ang mga kaibigan. Wala siyang imik at hindi man lang kumurap ang mga mata.

“Blue,” sambit ni Grey.

“Gising na si Pula?” mahinang tanong ni Blue.

Lumapit si Katleya rito. Nagpipigil ang dalaga na hindi umiyak sa harapan ng kaibigan. Ayaw niyang dumagdag pa sa lungkot at sakit na naramdaman nito.

“Blue, nasa funeral na si Red. Sa mga oras na ito ay nakaburol na siya,” pagpapaalala ni Katleya.

Parang agos naman ng talon ang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Blue. “Bakit pa ba siya nandoon? Ayaw na ba niya talagang gumising? Iiwan niya na ba talaga ako?”

“Blue, hindi matutuwa si Red niyan. Huwag kang ganyan. Magpakatatag ka,” ani Green.

“Nandito pa kami. Hindi ka namin iiwanan,” anang Grey.

Nakatitig lang si Blue sa kawalan. “Sabi niya mahal niya ako? Pero bakit niya ako iniwan? Sino na ang hahalik sa noo at pisngi ko tuwing gabi? Sino na ang yayakap sa akin bago matulog? Sino na ang magtitimpla ng gatas ko? Sino na ang gigising sa akin? Sino na?”

“Blue” sambit ni Grey. Hindi na rin niya mapigilan ang luha na lumabas sa mga mata niya. Awang-awa na siya sa kaibigan nila. “Hindi man kami si Red, pero mahal ka namin na katulad ng pagmamahal niya sa iyo.”

“Tama si Grey. Nandito pa kami. Nandiyan din si Kat,” ani Green.

Bumangon si Blue at umupo sa kama niya. Tumingala lang ito sa kisame habang walang pigil sa pag-iyak.

“Mamimiss ko ang paghilik niya. Mamimiss ko ang amoy niya. Mamimiss ko ang pagmamahal niya. Mamimiss ko ang lahat-lahat sa kanya. Sana ako na lang ang namatay, bakit siya pa? Bakit siya pa? Ako naman iyong masamang tao, 'di ba? Bakit pa ang kapatid ko na ang alam lang sa mundo ay mahalin ako? Sobrang bait niyang tao. Marami pa siyang puwedeng gawin. Malaki ang pangarap niya sa buhay. Paano lahat ng iyon? Paano niya magagawa iyon?” Humagulgol ito.

“May ibang plano ang Diyos para sa kanya, Blue. Basta ang gawin natin ay magpakatatag tayo,” anang Katleya.

Tiningnan ni Blue si Katleya. “Saan sila Mommy? Sinisisi ba nila ako?”

“Wag kang mag-isip nang ganyan. Sobrang nag-aalala sila sa iyo. Kaya wala sila rito dahil inasikaso nila ang burol ni Red,” paliwanag ni Katleya. Hinawakan pa niya ang kamay ng kaibigan.

“Aalis na ako.” Tinanggal ni Blue ang dextrose na nakatusok sa kamay niya. “Mauna na ako sa inyo.”

“Hindi ka pa okay. Hintayin mo muna na dumating ang nurse.”

“Kahit gagaling ako rito. Hinding-hindi ako magiging okay. Dahil ang bumuo ng pagkatao ko, wala na,” anito. Nagpupunas siya ng luha sa mga mata niya. “Mauna na ako.”

Sinundan ito ng mga kaibigan niya.

“Sabay na tayo, Blue,” si Grey.

Hindi na pinakinggan ni Blue ang mga kaibigan niya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Gusto na niya muling makita ang mahal na kapatid.

•••

Pagpasok ni Blue sa pintuan ng punerarya, humagulgol ito. Lalo na nang makita niya ang larawan ng kanyang kapatid sa ibabaw ng kabaong. Sobrang sakit nito para sa kanya dahil siya pa mismo ang kumuha ng larawan na iyon ni Red. Naalala niya ang araw na iyon na masaya pa silang dalawa.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now