Kabanata 40

9.2K 429 215
                                    

KABANATA 40

Nang marinig ni Katleya ang sinabi ni Blue, napatakbo ito palabas ng cafeteria. Yumuko lang siya habang tumatakbo dahil ayaw niya na may makakakita sa kanya na umiiyak. Napakasakit para sa kanya ang mga salitang binitawan nito. Hindi niya inaasahan na aabot sa ganoon ang pagkaibigan nila. Pumunta muna siya sa Music Club at doon inilabas ang lahat ng sakit. Alam niya kasi na roon, walang makakakita sa kanya at walang manghuhusga sa nararamdaman niya.

Sa loob ng Cafeteria, pinagsabihan nila Grey ang kaibigang si Blue dahil sa ginawa nito kay Katleya ngunit nagalit lang ito. Lumapit sa kanya si Selena na kanina ay nagulat sa ginawang pagsampal ni Katleya rito. Wala kasi siyang alam may hidwaan sa pagitan ng dalawa.

“Babe,” sambit ni Selena sabay himas sa braso ni Blue.

“Magtawag ka ng seksi mong kaibigan. Gusto kong magpalamig,” maawtoridad na utos ni Blue.

“Okay,” sagot ni Selena. Napangiti ito dahil alam niya ang gustong mangyari ng binata.

Nagtinginan sina Green at Grey dahil sa narinig. Makikita sa mga mata nila ang pag-aalala sa kaibigan. Tiningnan nila si Blue at hindi maipinta ang mukha nito.

“B*wesit!” sigaw niya sabay tapon ng tray na nasa gilid niya.

Hinila ni Blue si Selena papunta sa labas. Walang alam ang dalaga kung saan siya dadalhin nito, pero dahil gusto niya ang tao kaya pumayag siya rito. Pagdating nila sa isang roon, pumasok na sila at agad pinahiga ni Blue ang dalaga sa mesa. Kinuha ni Selena ang phone niya sa bulsa at may tinawagan na kaibigan.

“Besh, Blue is here. Gusto mo siyang matikman? Nandito kami ngayon sa Music Club. Come here as fast as you can,” ani Selena.

Nanlaki ang mga mata ni Katleya sa narinig. Hindi siya magkakamali na boses iyon ni Selena. Nasa loob kasi siya ng banyo sa Music Club dahil doon siya naglabas ng sama ng loob. Hindi niya inaasahan na magtatagpo muli ang landas nila ni Blue rito. Dahan-dahan na binuksan ni Katleya ang pinto. Pagsilip niya, bumungad sa kanyang mga mata ang walang saplot na kaibigan. Nanginginig ang buong katawan niya na makitang nakikipagtalik naman ito sa ibang babae. Napa-upo siya sa inidoro at iyak nang iyak. Tumunog ang cell phone niya kaya agad itong nataranta. Nahulog pa ito sa sahig.

“Sino ’yan?” tanong ni Blue.

Agad nagbihis si Blue at nagmadaling pumunta sa banyo. Pagbukas niya sa pinto, natahimik siya nang makita si Katleya.

Tiningnan ni Katleya ang kaibigan. “Kung pagsasalitaan mo lang ako nang masasakit na salita, please ’wag mo ng ituloy.” Yumuko ito. “Durog na durog na ako.”

Tumayo si Katleya at dinaanan lang ang kaibigan. Hinawakan siya nito sa braso. Mahigpit ang pagkahawak ni Blue kaya hindi niya ito matanggal.

“Bitawan mo ako,” mahinang sabi ni Katleya.

“Gusto mo rin ba na gawin ko sa iyo ang ginawa ko kay Selena?” tanong ni Blue.

Sinampal ito ni Katleya. “Nagkakaganyan ka dahil lang sa minahal kita? Masama na bang mahalin ka?”

“Babe,” sambit ni Selena.

Tiningnan ito ni Blue nang masama. “Shut up! Hindi kita girlfriend! Hindi ko nga pinatulan si Katleya na malinis ang budhi, ikaw pa kaya na patapon? Umalis ka rito!”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now