Kabanata 26

9.3K 429 162
                                    

KABANATA 26

PRESENT DAY

YEAR 2020

Nasa harapan ng pinto si Blue sa condo unit na kung saan nakatira si Katleya. Inayos niya muna ang sarili bago pipindutin ang passcode. Kumambiyo muna siya dahil papuntang norte ang pagkalalaki niya. Mukhang nakulangan pa ito sa babaeng kasalo niya kanina. Huminga muna siya nang malalim bago pinindot ito.

Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang maganda niyang kaibigan na alam ang lahat ng mga kabaliwan niyasa buhay.

“Cupcakes ko?” singil ni Katleya.

“Cupcakes mo mukha mo. Heto.” Inabot ito ni Blue.

“Thank you, Pie. Mwahhhh!” nakangiting sabi ni Katleya.

“Oo, masarap ako, pero hindi ako pagkain! Hindi ako, Pie! Blue ako. Color!” litanya nito.

“Nag-iinarte ka na naman. Tsk!” pagsusungit ni Katleya sabay subo ng cupcake.

Hinawakan ni Blue ang gilid ng baba ng kaibigan nang makitang may dumi ito. Habang hinahawakan ito ni Blue ay seryosong nakatitig si Katleya sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ay napayuko ang dalaga. May namiss siya.

“Dahan-dahan naman sa pagkain. Mabilaukan ka,” pagpapaalala ni Blue.

“Sorry. Ang sarap kasi...”

“Pero mas masarap ako,” pang-iinis ni Blue.

“Ew. As in ew!” nasusuka kunwaring sabi ni Katleya.

“Kunwari ka pa. Kunwari ka pa sa cupcake nag c-crave. Palusot mo lang 'yan para umuwi na ako. Miss mo lang talaga ako.”

“Kapal! Alis na!” singhal ni Katleya.

“Bakit mo ako papaalisin? E, condo unit ko 'to? Tss! Ikaw ha?” anang Blue sabay tanggal ng botones niya sa polo.

“Pie, tumalikod ka nga kung magbibihis ka!” sigaw ni Katleya sabay tapon ng unan sa binata. Sa harapan niya kasi ito naghubad ng unipormeng suot na parang lalaki ang kasama nito sa bahay.

“Bakit? Naglalaway ka sa katawan ko? Ikaw, ah? Mukhang pinagnanasaan mo na ako,” pang-aasar ni Blue.

“Kadiri ka, remember?” sabi ni Katleya sabay higa sa kama.

“Grabe siya. Hahalikan kita riyan ngayon,” inis na sabi ni Blue.

“Subukan mo.”

“Half joke.” Pumunta na ito sa banyo at doon na ipinagpatuloy ang pagbibihis. “Kat?”

“Ano?”

“Lutuan mo ako, please. Nagugutom na kasi ako!” sigaw nito para mas marinig ng dalaga.

“Ano ba 'yan! Humihiga na nga ang tao,” pagrereklamo ni Katleya, pero bumangon pa rin naman ito. “Ano’ng gusto mo?”

“Kahit ano, basta masarap. Kat? Tatakpan ko na ang nunal ko rito.”

Matapos masabi iyon ni Blue. Tumingala si Katleya sa kisame sabay tulo ng luha sa mga mata niya. Pinunasan niya ito bago pa makita ni Blue. Nahihiya na kasi siyang mahuli na umiiyak.

Paglabas ng binata, wala na itong nunal sa mukha niya.

“Kat,” kalmadong sambit ni Blue. “'Wag ka ng malungkot. Ako na ito, si Pula.”

Paglingon ni Katleya sa binata, nagpipigil ito sa paghikbi. Makikita ang namumuong luha sa mga mata nito.

Tumakbo si Blue sa kanya. “'Wag ka ng malungkot. Nandito na naman ako.”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now