Kabanata 36

9.4K 434 198
                                    

KABANATA 36

“Pie, tulungan mo ako rito,” pagtawag ni Katleya kay Blue na kasalukuyang nanunood ng cartoons.

Pinatay ito ng binata sabay tayo. “Okay.”

Pumunta si Blue sa kusina at kinuha ang tinabing patatas, carrots, at iba pang pangsahog sa lulutuin na kaldereta ni Katleya. Nang mahawakan niya ang patatas,  tinitigan niya ito at parang may pumasok na naman sa kanyang malinis na kaisipan. Makikita iyon sa malapad niyang ngiti at kumikislap na mga mata.

“Kat?” sambit ni Blue.

“Ano?” sagot ni Katleya habang naghihiwa ng sibuyas.

“Tingnan mo ang patatas. Parang itlog ko.”

Napalingon si Katleya at tinawanan siya. “Baliw ka na talaga, Pie. Kahit ano na lang ang pumapasok sa isipan mo. As if naman nakita ko ang it—” Hindi nito itinuloy ang sasabihin dahil muling pumasok sa isipan niya ang masamang panaginip.

“Bakit ka huminto?”

“W-wala lang,” pagsisinungaling ni Katleya.

“Alam mo, sobrang curious ako sa panaginip mo kanina. Para ka kasing... Basta,” natatawang sabi ni Blue.

Namumula ang mukha ni Katleya. Hindi niya lubos maisip na sa daming puwedeng maging panaginip, iyon pa talaga. Tumayo ang balahibo niya nang maalala kung gaano siya ka wild doon.

“W-wala. Nahiwa lang ang kamay ko sa panaginip kaya napasigaw ako.” Palihim siyang napangiwi matapos niyang masabi iyon.

“Okay,” si Blue. Tumunog ang pintuan nila kaya napalingon ito. “Baka sila na iyon.”

Nagmamadaling tumakbo si Blue papunta sa pintuan. Pagbukas niya, bumungad sa kanyang harapan ang mga kapatid ni Katleya. Agad na nakipagbeso siya kay Purple habang nag-fist bump silang dalawa ni Black.

“Pasok na kayo, Ate at Kuya,” anito.

Pagpasok ng dalawa, agad nilabas ni Black ang inumin na nasa loob ng bitbit niyang paper bag. Nanlaki naman ang mga mata ni Katleya nang makita ito.

“Kuya, bakit ka nagdala niyan?” pag-aalalang tanong ni Katleya.

Nang dahil kasi sa inumin sa panaginip niya kaya nagawa niya iyong mga imposibleng magawa niya sa totoong buhay kay Blue. Kaya may pangamba na siya. Natatakot na siya.

“Kung maka react ito. Sa mga lakam lang ito, noh! Kayong dalawa ni Ate Lila, softdrinks lang ang sa inyo,” sagot ni Black.

“Whatever!” sagot ni Purple. Dumiretso ito sa kinaroroonan ni Katleya at ipinagpatuloy ang naiwan na ginawa ni Blue kanina.

Tumabi naman si Blue kay Purple at tiningan ito. “Ate kumusta na kayo ni Luntian?”

“Gosh! Iyong friend mong may butete ang utak? Ew!” sagot ni Purple habang ipinagpatuloy ang paghiwa.

Natawa si Blue sa reaksyon nito. “Pupunta rin sila rito ngayon.”

“Grrrr! Magpapansin na naman iyon,” inis nitong sagot. May kumatok muli sa pinto. Nilingon niya naman ang kausap na binata. “F*ck. I smell his devil aura. Goosebumps!”

Natawa si Blue sa sinabi nito. Hindi pa rin kasi magkasundo ang dalawa. Naiirita kasi si Purple sa ugali ni Green. Kahit wala pa itong ginagawa sa kanya, umuusok na ang ilong niya sa galit. Mukhang ipinanganak siya para maging hater nito.

Si Black ang nagbukas ng pinto. Malapit lang kasi siya roon dahil nasa sala lang siya at nanunood ng news.

“He—!” sigaw ni Grey, pero hindi niya itinuloy nang makita ang mukha ng lalaking nilalandi siya. Ang lalaking araw-araw nang-aasar sa kanya sa pamamagitan ng social media.

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon