Kabanata 25

10.3K 431 116
                                    

KABANATA 25

Napasugod agad sa hospital sina Red at Katleya nang marinig nila ang masamang balita tungkol kay Blue. Pagdating nila, nadatnan nilang umiiyak ang lahat. Natulala si Red at nanigas nang makitang tinakpan ng puting tela ang katawan ng kapatid niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Napatayo naman sina Grey at Green sa kinauupuan nila at niyakap ang kaibigan nang makita ang presensiya nito.

“Si Blue,” sambit ni Grey. Hinigpitan niya ang yakap sa kaibigan.

“Wala na si Blue,” anang Green sabay punas ng luha sa mga mata niya.

“Hindi maaari ito. Kasalanan ko ang lahat ng ito,” anang Red. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang kapatid. Pagbukas niya sa puting tela ay siyang pagbuhos ng kanyang luha. “Asul!” Niyakap niya ito nang mahigpit. “Ang daya mo naman, oh. Bakit mo kami iniwan!” Niyugyog niya ang katawan nito. “Gumising ka naman diyan, oh! Huwag ka namang ganyan.”

Nanlaki ang mga mata ni Red nang biglang gumanti ng yakap ang kapatid niya.  Lalo na nang humalakhak ito nang napakalakas.

“It’s a prank! I’m alive,” sigaw ni Blue.

Humagulgol si Red sabay bitaw sa kapatid niya.

“Ano ba!” sigaw nito.

“Sorry na, Pula,” ani Blue. Nag-puppy eyes pa ito habang ngumunguso.

Makikita ang inis sa mukha ni Red. Pinunasan niya ang kanyang luha bago nagsalita.

“Palagi mo na lang ginagawang laro ang lahat, Asul! Alam mo ba kung gaano kasakit iyong ginawa mo?” Hinawakan niya ang dibdib niya. “Ang sakit-sakit dito sa puso ko! Muntikan pa kaming na aksidente ni Katleya dahil sa pagmamadaling pumunta rito!” Tiningnan niya ang mga mahal niya sa buhay. “Grabe kayo! Kinunsinti niyo lahat ng iyon? It wasn’t a joke!”

“Pula, sorry na,” seryosong sabi ni Blue.

Bumuntonghininga si Red at umupo sa tabi ng kapatid niya. “Huwag ka ng magbiro nang ganoon.” Niyakap niya ito nang mahigpit. “Akala ko wala ka na talaga. Hindi ko makakayanan iyon.”

Bumuwag sa pagyakap si Blue at ipinatong ang dalawang kamay sa balikat ng kapatid niya. “Hindi ako mawawala, okay? Hindi ko kayang iwan ka. Mahal kita. Ikaw ang lakas ko. You’re the reason why I chose to live.”

“Salamat.”

Tinanggal na ni Blue ang kamay niya. “I love you, Pula. Sobrang saya ko na nakaligtas ka.”

“Pero bakit mo ginawa iyon? Ako dapat iyon.”

“Simple lang.” Napangiti ito habang iniisip ang ginawa niya nang araw na iyon. “Dahil mahal kita. Iyon lang ang tanging naisip ko para hindi ka mapuruhan.”

“Salamat. Pero mas masasaktan ako kapag nakita kang nasasaktan.”

“'Wag mo na isipin iyon. Ang mahalaga, nakaligtas na tayo.” Inakbayan ni Blue ang kapatid niya at tiningnan si Katleya. “Okay na ba kayo ng panget na 'yan?”

Tumango ang binata at tiningnan si Katleya. “Oo, kanina lang din.”

“Salamat naman.”

“Ikaw? Kailan ka pa nagising?” tanong ni Red.

“Kaninang madaling araw. Alam mo ba paggising ko, wala akong maalala kung bakit ako nandito sa hospital. Tapos inaway ko sila mom na nagbantay sa akin kahit si Lala. Sobrang init ng ulo ko kasi gusto ko ng lumabas tapos ayaw nila. Pero kinuwento ng doctor kina Mom na ganoon daw talaga iyon kapag nagising mula sa coma, nagkaroon daw ako ng Post-Traumatic Amnesia dahil sa car accident. Pero ang mas maganda, madali lang gumaling sa akin, sinabi ng doctor kina Mom, aabot lang daw ito ng oras, araw, o 'di kaya buwan. Sa case ko, sobrang saya ko kasi oras lang. Malakas kasi ako.”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now