Kabanata 20

11.8K 424 111
                                    

KABANATA 20

Kakauwi lang ni Grey galing sa hotel kung saan nila pinagsaluhan ni Green si Selena. Sa sandaling ito, tahimik siyang nagpapahinga sa kanyang higaan habang iniisip ang ginawa nila. Hinawakan niya ang naninigas pa niyang pagkalalaki. Hindi mapagkaila na nakulangan ito. Pero nang biglang pumasok sa isipan niya si Black, napamura ito nang wala sa oras.

Bumangon ito sabay tapon sa kanyang unan.

“Sh*t!” sigaw niya.

Kaninang tanghali, pinadalhan siya ni Black ng larawan na naka-lipbite habang naka-oppa sign. Inakusahan kasi siya na may gusto rito dahil sa pagtanong niya kagabi kung ano ang ginagawa nito. Hindi naman daw kasi sila close para magtanong nang ganoon ang binata.

Lumabas muna si Grey sa kanyang kuwarto para maligo sa kanilang pool. Gusto niya lang magpalamig ng ulo. Hindi niya kayang matulog na mabigat ang pakiramdam.

Pagdating niya sa pool, agad itong tumalon at pinagod ang sarili sa paglangoy. Minuto ang lumipas, nang dinapuan na siya ng pagod, napag-isipan na niyang tumigil. Pag-ahon niya, isang napakagandang babae ang bumungad sa kanya. Ang kanyang ina.

“Zyrielle,” kaswal na sambit ni Melchora.

Tiningnan ni Grey ang ina niya. “What?” Nagsimula na siyang humakbang patungo sa kung saan nakalagay ang tuwalya niya. Nang makuha na niya ito, isinabit niya ito sa leeg niya at muling tiningnan ang ina. “Mukhang napaaga kayo sa pag-uwi?”

“Cancelled ang shooting. Anyway, iyong Kuya Brown mo hindi makakapasok sa restaurant bukas kasi may lagnat iyong pamangkin mo,” sabi ni Melchora.

“Then?”

“Alam mo na.”

“No!” inis na sigaw si Grey.

“No allowance next week?” pagbabanta ni Melchora.

“Fine!” inis na sagot ni Grey sabay sipa sa upuan na nasa gilid niya.

“Galit ka?” May pagbabanta sa boses ni Melchora.

“Nope. Am just practicing karate. Mauna na ako,” sagot ni Grey sabay alis.

“Pagkatapos mong magbihis, bumaba ka na agad. Kakain na tayo.”

“Okay!” pasigaw nitong sagot sabay sipa muli sa bagay na nadaanan niya. Pero natumba ito nang napalakas niya ang sipa. Hinawakan niya ang paa niya. “Ouch!”

Dumaan si Melchora sa gilid ng anak niya sabay kurot sa tenga nito. “Karma, Zyrielle.”

Hindi na sumagot ang binata at hinayaan na makaalis ang kanyang ina. Bumuntonghininga siya sa sobrang inis sabay tayo at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng mansion nila.

•••

“Simba tayo mamaya, Yellownora. Isama mo na rin si Red,” anang Black na umiinom ng gatas sa kinauupuan niya.

Nasa pool area silang magkakapatid sa kanilang bahay.

Tiningnan ni Katleya nang masama ang kanyang Kuya. “Okay.”

“Ano’ng ibig sabihin ng tingin na 'yan?” takang tanong ni Black. Wala siyang ideya kung bakit mainit ang timpla ng kapatid niya sa kanya.

“Do you like, Grey?”

Napangiti ang binata. “Are you crazy? Inaasar ko lang ang batang iyon.”

“Totoo?” nakangiting tanong ni Katleya.

“Yup. Do you think magkakagusto ako sa kapwa ko lalaki?” Napatawa ito. “Hinding-hindi iyon mangyayari.”

“Okay,” kibit-balikat na sabi ni Katleya. Nilingon niya si Purple na nagpalutang-lutang sa pool sakay sa isang salbabida. “Ate, gusto mong sumabay?”

FATED TO F*CK YOU✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora