SPECIAL CHAPTER #Uno

14K 386 145
                                    

SPECIAL CHAPTER
No.1

“Madam, naligpit ko na,” sambit ng isang lalaki.

Nandito sila sa isang bodega na sobrang dilim. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsilbing ilaw nila. Tahimik naman ang babae na nakatayo sa harap ng isang bintana. Malalim ang iniisip nito.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang narinig ang paghikbi ng babae, ang tinawag niyang madam. Nagtataka siya kung bakit ito umiiyak gayong alam niyang malayo ito sa karakter na ipinapakita sa kanya.

“Madam? Okay ka lang ba?” tanong ng lalaki.

“Bakit si Red ang pinatay mo? Si Blue ang ipinapatay ko! Bakit si Red?!” gigil sigaw ng babae. Garalgal na ang boses niya. Maririnig dito ang labis na galit.

“Nataranta ako. Wala akong pagpipilian! Hayaan mo na, malinis naman ang trabaho ko.”

Humarap ang babae. “Malinis? Nataranta? Walang pagpipilian?”

Sinugod niya ang lalaki at pinagsasampal. Hindi siya pabor sa narinig.

“Ang laki ng binayad ko sa iyo. Palpak pa! Mabait na tao ang pinatay mo! Hindi demonyo!” gigil na sabi ng babae.

“Pero nabaril ko rin naman si Blue. Kahit papaano, napuruhan din iyon.”

“Oo! Nabaril mo! Ang tanong, namatay ba? Iba iyong napatay mo! Ang bobo mong kriminal!”

“Sorry na madam. Next time na lang.”

“Wala ng next time dahil isa kang malaking palpak! Bayad ka na, subukan mong kumanta, ipapatay ko lahat ng mga anak mo. Iba ako magalit. Pakatandaan mo ’yan,” pagbabanta ng babae.

“Tikom ang bibig ko sa iyo, Madam.”

“Umalis ka na! Magpakalayo ka na at ’wag ka nang magpapakita sa akin.”

“Malinis naman ang gawa ko. Itinapon ko na rin sa ilog ang sasakyan ni Mr. Red.”

“Mabuti kahit papaano, hindi ka palpak diyan. Sige na, makiramay na muna ako.”

•••

Huling lamay na ni Red at abala ang lahat sa punerarya. Nasa harapan ng kabaong ni Red ang dahilan sa kanyang pagpanaw. Ang babaeng nagpautos na patayin sana ang kambal niya.

“Sorry again, Red. Kapatid mo dapat ang nakahiga riyan kaso palpak iyong inutusan ko. Ang sama ko, ’di ba? Masyado na kasing pabida ang kapatid mo. Akalain mo, walang kuwenta, pero nasa kanya halos lahat ang mana!? Ano siya? Hindi ka ba maiinggit niyon? Pero ’wag kang mag-aalala dahil hindi ko ipapatay ang kapatid mo, patay ka na kaya sigurado akong hahatiin iyong natitirang mana. Sorry ulit, ha? Sleep well. I love you.”

Pagharap ng babae ay pinunasan na niya ang luhang nagsipatakan sa mga mata niya. Paglabas niya ng funeral ay makakasalamuha niya si Blue. Kumulo ang dugo niya nang makita ang pagmumukha nito.

“Blue,” sambit niya.

Dinaanan lang siya nito at hindi pinansin. Napalingon siya rito habang papasok ito.

“Sa ugali mong ’yan? You deserve to die, but unluckily, kapatid mo ang nasa kabaong ngayon imbes na ikaw. Pasalamat ka, mabait na ako ngayon. At kailanman, hindi na ako papatay, pero pahabol, huli na ngayong araw!” aniya sabay tawa.

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon